Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG OKTUBRE 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin sa maikli ang pang-araw-araw na teksto at himukin ang lahat na makinabang sa regular na pagsasaalang-alang sa pang-araw-araw na teksto bilang mga indibiduwal at mga pamilya. Papurihan ang mga mamamahayag hinggil sa nagawa noong Setyembre at himukin ang lahat na gumugol ng ilang oras sa pagpapatotoo sa dulong sanlinggong ito.
20 min: “Pagpapamalas sa ‘Espiritu ng Pananampalataya.’” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Pasiglahin ang mga maaaring mag-auxiliary payunir o mag-regular payunir sa Nobyembre. Basahin ang mga parapo at ang mga susing kasulatan habang ipinahihintulot ng panahon.
15 min: Pag-aalok ng Suskripsiyon. Itanghal ang Paksang Mapag-uusapan, lakip ang alok na suskripsiyon ng Gumising! sa ₱50.00, na nagtatampok sa pambukas na artikulo sa pinakabagong labas. Idiin na dapat nating ialok ang suskripsiyon sa lahat ng pagkakataon at hayaang magpasiya ang maybahay, sa halip na tayo mismo ang magpasiya sa ating sarili na hindi niya gusto ito. Kapag hindi kinuha ang suskripsiyon, mag-alok ng dalawang magasin sa ₱4.00. Magmungkahi ng iba pang pagkakataon para makakuha ng mga suskripsiyon sa buwang ito.
Awit 43 at panalangln.
LINGGO NG OKTUBRE 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang ulat ng kuwenta. Magmungkahi ng mga litaw na punto na magagamit sa paghaharap ng kasalukuyang mga magasin sa ikaapat na Sabado, Oktubre 26.
20 min: “May Kagalakang Pasulungin ang Ating Papuri kay Jehova.” Tanong-sagot. Maaaring bumanggit ng mga pantanging kaayusan sa paglilingkod sa larangan para doon sa mga mag-aauxiliary payunir sa Nobyembre. Himukin ang mga nagnanais na magpayunir na ibigay ang kanilang mga aplikasyon ngayon.
15 min: Kayo ba ay Nakikinabang Mula sa mga Artikulong, “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .”? Pahayag ng isang kapatid kung papaanong ang mga artikulong ito ay napahalagahan ng mga kabataan sa palibot ng daigdig. Maaaring itawag-pansin ang mga artikulo sa mga isyu ng Oktubre o sa nakaraang mga isyu. Magkaroon ng maikling pagtatanghal kung papaano maitatampok ang mga ito sa pag-aalok ng suskripsiyon ng Gumising! Gayundin, pasiglahin ang mga magulang at mga anak sa kongregasyon na basahin ang mga ito nang magkakasama. Ang mga ito ay maaaring magbukas ng daan para sa kapakipakinabang na pag-uusap sa pagitan ng mga magulang at mga anak.
Awit 183 at panalangin.
LINGGO NG OKT. 27—NOB. 2
5 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang unang Linggong pagpapatotoo sa Nobyembre 3. Gayundin, himukin ang mga nagtataglay ng mga aklat na newsprint na itaguyod ang mga pantanging kampanya sa Nobyembre at Disyembre nang lubusan.
23 min: “1985 ‘Mga Nag-iingat ng Katapatan’ na Kumbensiyon.” Tanong-sagot na pagtalakay ng insert mula sa pasimula hanggang sa seksiyong “Kristiyanong Asal” sa pahina 4. Himukin ang lahat na maging handang makinig nang lubusan sa buong programa sa apat na araw.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Na May Personal na Pananalig.” Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig.
Awit 19 at panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 3-9
5 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
15 min: “Ang Ating Bahagi sa Pagpapakita ng Teokratikong Pagpapasakop.” Tanong-sagot. Basahin ang mga kasulatan habang ipinahihintulot ng panahon.
25 min: “1985 ‘Mga Nag-iingat ng Katapatan’ na Kumbensiyon.” Tanong-sagot na pagtalakay sa insert mula sa “Kristiyanong Asal” hanggang sa katapusan. Pasiglahin ang lahat na magpakita ng isang mabuting halimbawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga iminumungkahi hinggil sa asal samantalang nasa kumbensiyon.
Awit 71 at panalangin.