Lubusang Makibahagi sa Larangan sa Disyembre
1 Ang Disyembre ay isang abalang buwan para sa bayan ni Jehova sa Pilipinas dahilan sa ating mga pandistritong kumbensiyon. Sa taong ito pinananabikan natin lalo na ang mga pantanging kumbensiyon sa Maynila. Subali’t gaano man tayo kaabala, tlyakin natin na ang ating oras ng paglilingkod sa larangan ay hindi apektado kundi tayo ay magkaroon ng lubusang bahagi sa ministeryo.
2 Mainam na makitang noong Disyembre, 1984, 74,723 mga mamamahayag ang nag-ulat ng paglilingkod sa larangan, na may 319 lamang ang kababaan kaysa Nobyembre, 1984. Gayundin, sa kabila ng maraming gawain sa mga kumbensiyon, ang aberids na oras ng mga mamamahayag ay 7.6, kung ihahambing sa 7.8 noong Nobyembre. Ano ang magagawa natin sa taong ito upang matiyak na ang ating paglilingkod sa larangan ay hindi nakakaligtaan sa Disyembre?
3 Una, mabuting alalahanin ang inyong personal na tunguhin sa oras at pagkatapos ay pagsikapang mag-eskedyul ng inyong panahon upang abutin iyon. Aug Disyembre 1, 8 at 15 ay mga Linggo na maaaring gamitin sa larangan bago magpasimula ang kumbensiyon. Tiyaking magpasimula kaagad sa Disyembre 1 at maging abala sa paglilingkod sa unang dalawang linggo ng Disyembre sa gawain sa larangan. Noong Disyembre nang nakaraang taon, 2,886 ang nag-auxiliary payunir. Magagawa ba ninyo iyon sa taong ito? Sa pamamagitan ng pag-eeskedyul marahil ng tatlong oras sa isang araw para sa unang tatlong linggo, maaaring maabot ninyo ang 60-oras na kahilingan bago magpasimula ang kumbensiyon. Bakit hindi humiling ng aplikasyon? Nalalaman namin na tunay kayong masisiyahan sa kumbensiyon pagkatapos ng gayong magawaing buwan ng paglilingkuran.
4 Ang isa pang mungkahi ay gamitin ang panahon ng paglalakbay patungong kumbensiyon para sa impormal na pagpapatotoo. Gayundin, sa kumbensiyon mismo tayo ay may pagkakataon na makibahagi sa pantanging paglilingkod sa larangan sa Biyernes ng hapon. Sa pamamagitan ng pagsusuot ng inyong lapel card sa lugar ng kumbensiyon, kayo ay nagbubukas ng pagkakataon upang makapagpatotoo.
5 Ang mga matatanda ay makatutulong sa pamamagitan ng paggawa ng karagdagang kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa unang bahagi ng Disyembre at pasiglahin yaong maaaring mag-auxiliary payunir na gawin iyon. Gayundin, kung ang iba ay nagiging di palagian, maaari bang dalawin ang mga ito nang maaga sa Disyembre at tulungang makabahagi sa unang dalawang linggo ng buwan. Bilang katapusan, tiyakin na ang mga ulat ay dagling natitipon sa katapusan ng buwan. Oo, gawin natin ang Disyembre na isang pantanging buwan ng gawain na siyang tatapos sa taong 1985. Kung gagawin natin ito, tayo ay makatitiyak ng mayamang pagpapala ni Jehova.—Awit 65:11.