Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG NOBYEMBRE 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Himukin yaong may mga aklat na newsprint na gamitin nang lubusan ang mga ito sa gawain sa bahay-bahay sa buwang ito at sa Disyembre.
20 min: “Pagpapamalas ng Pananampalataya sa Pagiging Nasisiyahan.” Tanong-sagot na pagtalakay.
15 min: Repasuhin at itanghal ang paggamit ng bagong Paksang Mapag-uusapan, na ipinakikita kung papaano ito maiaangkop sa alok na literatura sa buwang ito.
Awit 98 at panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Himukin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
15 min: Papaano Natin Mapatitibay ang Pananampalataya ng Bawa’t Isa? Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Dapat munang kumuha ang matanda ng mga komento mula sa tagapakinig hinggil sa praktikal na pamamaraan upang maikapit ang sumusunod na punto upang mapatibay ang ating pananampalataya at gayundin ang sa iba. (1) Maging malapit kay Jehova, Jesu-Kristo, at sa isa’t isa sa loob ng kongregasyon. (Heb. 11:6) (2) Ang Kristiyanong ministeryo ay gawing pinakamahalagang bagay sa buhay at ibahagi iyon sa iba. (Sant. 2:26) (3) Hayaang dalhin ng malalakas “ang kahinaan ng mahihina.” (Roma 15:1; Gal. 6:10) (4) Magpasigla ng nakapagpapatibay na pag-uusap, regular na pagbabasa ng Bibliya, at pagtitiyaga sa pananalangin. Ipaliliwanag ng matanda na ito ay nangangailangan ng malaking panahon at pagsisikap sa ating pang-araw-araw na gawain, subali’t ito’y mahalaga. (Judas 3) Bakit dapat nating patibayin ang pananampalataya ng bawa’t isa? Sinisikap ng Diyablo na sirain ang ating kaugnayan kay Jehova sa pamamagitan ng huwad na turo, kahalayan, pagkawalang-galang sa awtoridad, pagbubulong-bulungan, kasakiman. Kaya patibayin natin ang pananampalataya ng bawa’t isa. “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”—Gal. 3:11; Roma 1:16, 17.
20 min: “Kayo Ba ay Nagpapatotoo sa Paaralan?” Tanong-sagot. Magkaroon nang maikling pagtatanghal na nirerepaso ng magulang sa tin-edyer ang isang kalagayan na maaaring maganap sa paaralan. Itawag-pansin ang mga karanasan na inilahad sa mga pahina 20 at 21 ng Setyembre 8, 1985 Awake!
Awit 100 at panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 24-30
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Pasiglahin ang lahat na itaguyod ang paglilingkod sa larangan sa Disyembre 1.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Paggamit ng mga Inilathalang Mungkahi.” Tanong-sagot. Ipakita sa pamamagitan ng karanasan kung papaanong ang lokal na kongregasyon ay nakinabang mula sa pagkakapit ng mga mungkahi sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
18 min: “Lubusang Makibahagi sa Larangan sa Disyembre.” Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig, na ibibigay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ikapit nang lokal at pasiglahin ang lahat para sa isang magawaing buwan ng paglilingkod sa Disyembre.
Awit 136 at panalangin.
LINGGO NG DISYEMBRE 1-7
15 min: Talakayin ang pang-araw-araw na teksto at komento, pagkatapos ay magbigay ng lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na gumawa ng mabuting pasimula sa gawain sa larangan sa pamamagitan ng paglabas sa unang linggo ng Disyembre. Kailangang gumawa nang lubusan ang mga payunir sa unang dalawang linggo upang huwag kulangin sa kanilang oras.
15 min: Paghaharap ng Alok sa Disyembre. Mga litaw na punto sa alok na Bibliya at aklat na maaaring magamit ng mga mamamahayag sa larangan. Magkaroon ng pagtatanghal na ipinakikita kung papaanong ang alok ay maaaring iugnay sa Paksang Mapag-uusapan.
15 min: Pahayag na may pakikibahagi ng tagapakinig sa artikuiong, “Subjecting Ourselves to Jehovah by Dedication,” sa Hunyo 1, 1985 Watchtower (Disyembre 1, 1985 sa Tagalog). Isasaayos ng mga matatanda ang pagrerepaso sa mga kandidato sa bautismo sa pandistritong kumbensiyon upang matiyak na sila’y kuwalipikado.
Awit 202 at panalangin.