Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG PEBRERO 9-15
10 min: Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas.
17 min: “Tag-araw—Isang Panahon Ukol sa Karagdagang Pagsisikap.” Pagsaklaw sa pamamagitan ng tanong-sagot. Kapanayamin sa maikli ang isa o dalawang nag-auxiliary payunir sa nakaraang panahon at nagpaplano na gumawa ng gayon sa Marso, Abril at Mayo.
18 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Pagdalaw-muli sa mga Suskritor.” Pahayag na may pakikibahagi ang mga tagapakinig. Itanghal sa maikli ang mga mungkahi na ibinigay sa parapo 4.
Awit 36 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang pagpapatotoo sa pamamagitan ng magasin sa ika-4 na Sabado, Pebrero 22. Ilakip ang ulat ng kuwenta.
20 min: “Patuloy Ninyong Gawin Ito . . . ” Pagsaklaw sa artikulo sa pamamagitan ng tanong-sagot. Ipabasa ang mga parapo habang ipinahihintulot ng panahon. Ang mga tanong sa parapo 2 hanggang 5 ay dapat na sagutin nang personal hinggil sa gagawin ng mga mamamahayag, matatanda at ministeryal na lingkod sa pagsasakatuparan ng mga tagubilin. Magpapasigla ang tsirman ukol sa higit na gawain sa larangan sa Marso at Abril.
15 min: “The ‘Other Sheep’ and the Lord’s Evening Meal.” Sa pamamagitan ng paggamit sa artikulo ng Watchtower sa isyu ng Pebrero 15, 1985 (Agosto 15, 1985 sa Tagalog), itatanghal ng may kakayahang mamamahayag kung papaano pasisiglahin ang estudiyante sa Bibliya na dumalo sa Memoryal. Maaaring basahin ang mga parapo 20 at 21 ng artikulo.
Awit 48 at panalangin.
LINGGO NG PEB. 23—MAR. 1
12 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang pagpapasigla ukol sa pakikibahagi sa pagpapatotoo sa unang Linggo ng Marso 2. Gayundin ang Teokratikong mga Balita.
23 min: “Kamangha-manghang Bagong Pantulong sa Ating Ministeryo.” Tanong-sagot. Kapag tinatalakay ang parapo 2, itawag-pansin ang artikulong “Serye ng mga Pahayag Pangmadia sa Bagong Aklat na Creation.”
10 min: Maaari ba Kayong Mag-auxiliary Payunir sa Marso? Masiglang pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Yamang may limang dulong-sanlinggo sa Marso, hindi pa huli ang pagpapatala. Kapanayamin ang mga nakapagpatala na at alamin kung papaano nila isinaayos ang kanilang panahon.
Awit 20 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 2-8
15 min: Lokal na mga patalastas, ilakip ang gawain sa magasin sa ika-2 Sabado. Ipagunita sa lahat ang pantanging pahayag pangmadia sa Marso 9 upang maanyayahan nila ang mga taong interesado. Iharap ang dalawang 30-hanggang 60-segundong pagtatanghal sa pag-aalok ng pinakabagong mga magasin. Ang isa sa mga ito ay dapat na maging payak upang magamit ng mga bata.
15 min: Pahayag sa “Walk Worthily . . . With Long-Suffering” salig sa artikulong mula sa Agosto 1, 1985 Watchtower.
15 min: Lokal na pangangailangan. (O maaaring magbigay ng pahayag na “Independence From God—Why Not?” salig sa unang dalawang artikulo sa Nobyembre 1, 1985 Watchtower.)
Awit 99 at panalangin.