Mga Patalastas
● Ang alok na literatura sa Marso at Abril: Yaong mga nagtataglay ng mga aklat na newsprint sa kanilang wika ay mag-aalok nito sa ₱2.50 ang isa o 3 sa ₱7.00. Ang mga kongregasyong Tagalog ay mag-aalok ng aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱14.00. Ang iba ay mag-aalok ng aklat na Mabuhay Magpakailanman sa ₱35.00. Mayo: Aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? sa ₱35.00.
● Sa pagdiriwang ng Memoryal sa Lunes, Marso 24, pakisuyong tandaan na ang paglilibot ng tinapay at alak ay hindi dapat na magpasimula kundi pagkatapos lumubog ang araw, bagaman ang pahayag ay maaaring magpasimula nang mas maaga. Walang ibang pulong ang idaraos sa araw na iyon maliban sa Memoryal.
● Bukod pa sa pagtaas ng halaga ng mga literatura na limbag ng Samahan, ang halaga ng Bibliya na gawa ng Phillippine Bible Society ay magiging ₱55.00 pasimula sa Marso 1, 1986. Gayumpaman, ang halaga ng mga Bibliyang Bicol ay mananatiling ₱30.00 gaya ng naipatalastas na.
● Pasimula sa Abril 6, 1986, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na may pamagat na “Mga Panalangin na Dinirinig ng Diyos” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
● Ang isang bagong balangkas para sa mga tagapagsalita sa Memoryal ay ipinadala sa bawa’t kongregasyon, kapuwa sa Ingles at Tagalog.