Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MARSO 9-15
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang “Mga Bagong Halaga ng Literatura.” Ibigay ang pamagat ng unang pahayag pangmadia sa aklat na Creation sa Marso 16 at himukin ang lahat na dalhin ang kanilang kopya ng aklat sa kanilang pagdalo.
15 min: Paksang Mapag-uusapan. Tatalakayin ng tagapangasiwa sa paglilingkod sa maikli ang repaso ng bagong paksa at pagkatapos ay ihaharap ang isang mabuti ang pagkakaensayong pagtatanghal na nagpapakita kung papaano gagawa ng isang mabisang pagtatawid sa kasalukuyang alok. Maaaring sabihin ng mamamahayag: “Tunay na maraming kalagayan ngayon ang lumilitaw na nagpapangyaring tayo’y mabahala hinggil sa hinaharap, hindi ba?” Hayaang sumagot at pagkatapos ay magbigay ng halimbawa na nagpapakita ng pagkabahala. Pagkatapos ay sabihin: “Bagaman nalilito ang marami sa mga suliranin ng sanlibutan, alam ba ninyo na matagal nang inihayag ng Diyos kung ano ang malapit nang maganap sa ating kapanahunan? Maraming bagay hinggil sa ating kinabukasan ang inihahayag ng kaniyang sinabi sa aklat ng Apocalipsis.” Basahin ang Apocalipsis 1:1 at pagkatapos ay bumaling sa isang partikular na punto sa aklat na inyong iniaalok na nagpapakita kung papaano ang mga hula sa Apocalipsis (halimbawa, yaong nasa Apocalipsis 6:4-6) ay natutupad sa ating panahon. Magpatuloy sa pamamagitan ng pagsasabing: “Kahit na nakababalisa ang mga kalagayang umiiral sa ngayon, pansinin ang pangako ng Diyos sa hinaharap. [Basahin ang Apocalipsis 21:3, 4.] Ang aklat na ito ay tumatalakay nang higit na detalyado sa sinasabi ng Bibliya hinggil sa ating kinabukasan. Maaaring magkaroon kayo nito sa maliit na abuloy.”
20 min: “Pagpapamalas ng Sigasig sa Marso at Abril.” Tanong-sagot. Idiin ang mga tunguhin sa Marso at Abril, na gumagawa ng lokal na pagkakapit ng materyal.
Awit 30 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas, lakip ang ulat ng kuwenta. Himukin ang lahat na maging palaisip sa pag-aanyaya sa mga taong interesado sa Memoryal sa susunod na linggo. Gayundin, banggitin ang pamagat ng pahayag pangmadia sa aklat na Creation sa Linggong ito.
20 min: “Pagbibigay ng Atensiyon sa mga Matatanda at Masasakitin.” Tanong-sagot. Ikapit sa lokal na paraan.
15 min: “Ikaw Ba’y ‘Mapagpatuloy’?” Pahayag salig sa artikulo sa Bantayan ng Enero 15, 1986, pahina 21.
Awit 155 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang mga kapatid na pansinin kung sino ang mga dumalo sa Memoryal sa unang pagkakataon upang madalaw sila pagkatapos at makapagpasimula marahil ng pag-aaral ng Bibliya sa kanila. Ipatalastas ang pamagat ng pahayag sa Linggo. Banggitin kung ilan ang pumasok sa gawaing auxiliary payunir sa Abril. Hindi pa rin huli para sumama sa maliligayang grupo ng mga payunir. Magpatala ngayon.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Papaano Maghahanda ng mga Presentasyon sa Magasin.” Tanong-sagot. Magsaayos ng isang walong minutong pagtatanghal ng dalawang mamamahayag, kung maaari ay mga payunir, na nag-uusap kung papaano sila naghahanda nang patiuna sa pag-aalok ng magasin. Dapat silang magkomento salig sa mga halimbawa na masusumpungan sa mga parapo 3-5. Gumamit ng pinakahuling mga magasin. Magtapos sa pamamagitan ng 30-hanggang 60-segundong presentasyon ng magasin.
15 min: “Why Clothe Ourselves With Mildness?” Pahayag salig sa artikulo ng Watchtower ng Nobyembre 15, 1985, mga pahina 6-8.
Awit 36 at panalangin.
LINGGO NG MAR. 30—ABR. 5
10 min: Lokal na mga patalastas, lakip ang pampatibay-loob na itaguyod ang pagpapatotoo sa unang Linggo, Abril 6. Himukin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa unang dulong-sanlinggo ng Abril. Ipatalastas ang pahayag sa Creation para sa Linggo.
20 min: “Gamiting Mabuti ang Reasoning From the Scriptures.” Tanong-sagot. Talakayin kung papaano makatutulong sa lokal na teritoryo ang bagong publikasyong ito.
15 min: “Do You Remember?” Pagrerepaso ng konduktor sa Pag-aaral ng Bantayan salig sa artikulo ng Disyembre 15, 1985 Watchtower, pahina 30.
Awit 192 at panalangin.
LINGGO NG ABRIL 6-12
10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa ika-2 Sabado ng Abril. Idiin ang gawain sa Abril, na hinihimok ang lahat na sana’y nakapaglingkod na sila sa Linggo. Ipagunita sa lahat na dapat silang mag-ulat ng kanilang paglilingkod sa larangan sa Abril 13. Ang ikalimang pahayag sa aklat na Creation ay ibibigay sa Linggong ito. Ibigay ang pamagat ng pahayag.
20 min: Mapasigla sa Pamamagitan ng ulat ng 1986 Yearbook. Masiglang pahayag na hinihimok ang mga kapatid ukol sa mabuting paggamit ng bagong Yearbook. Bumanggit ng ilang tampok na bahagi. Talakayin ang Teokratikong mga Balita at ipakita na ang ulat sa Yearbook ay nagbibigay ng higit pang detalye. Imungkahi na basahin ang Yearbook bilang isang pamilya kapag praktikal ito. Ang lahat ay napasisigla na makita ang katunayan ng pagpapala ni Jehova sa kaniyang organisadong bayan. (Kapag ang 1986 Yearbook ay wala pa, maaaring gamitin ang mga numero sa tsart ng Enero 1, 1986 na Watchtower at ilang mga punto mula sa Yearbook nang nakaraang taon.)
15 min: Pahayag na “Do You Honor Jehovah With Your Valuable Things?” sa Disyembre 1, 1985 na Watchtower. Gumawa ng lokal na pagkakapit ng impormasyon.
Awit 151 at panalangin.