Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG OKTUBRE 12-18
10 min: Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Lokal na mga patalastas. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa linggo.
20 min: “Magpatuloy sa Paghahayag ng Kaharian ng Diyos.” Isang matanda ang tatalakay sa artikulo taglay ang pakikibahagi ng tagapakinig. Basahin ang lahat ng mga kasulatang binanggit at komentuhan ng tagapakinig. Kapag isinasaalang-alang ang alok na suskripsiyon sa Gumising!, itanghal ng kuwalipikadong mamamahayag ang isang payak na presentasyon na ginagamit ang kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan.
15 min: Tanong. Pagtalakay na pangangasiwaan ng isa sa mga Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon. Idiin na ang mga kandidato sa bautismo ay dapat na isang sinang-ayunang kasama, isang tao na handa na gumawa ng pag-aalay kay Jehova o nakagawa na niyaon. Makabubuting ipahayag kaagad ng mga kandidato sa bautismo ang kanilang pagnanais sa halip na hintayin pa ang pagsapit ng asamblea.
Awit 202 at panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Papaano nasusuportahan ang paglilingkod sa larangan? Maglahad ng karanasan upang ipakita ang mga kapakinabangan ng gayong pagsuporta. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito at magbigay ng mungkahi ng mga litaw na punto para sa paghaharap ng mga kasalukuyang magasin.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Pag-aalok ng Suskripsiyon sa mga Pagdalaw-Muli.” Tanong-sagot na pagsaklaw. Itanghal din ang dalawang punto na sinaklaw sa mga parapo 2-6, sa dalawang magkahiwalay na maikling pagtatanghal. Piliin ang dalawa na siyang karaniwan sa inyong teritoryo.
15 min: “Tulungan ang mga Baguhang Mamamahayag.” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Himukin ang mga kuwalipikadong kapatid na lalake at babae na magsaayos na gumawa kasama ng mga baguhan upang tulungan silang maging lalong mabisa sa kanilang paglilingkod sa larangan.
Awit 151 at panalangin.
LINGGO NG OKT. 26—NOB. 1
7 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Himukin ang lahat na makibahagi sa ministeryo sa unang Linggo ng Nobyembre.
13 min: “Mga Kabataan, Maging Pasulong sa Ministeryo.” Pahayag ng isang matanda, na sinusundan ng pakikipanayam sa dalawa o tatlong mga kabataan na itinatampok ang mga tunguhing nabanggit sa artikulo.
25 min: “1986 ‘Banal na Kapayapaan’ na Pandistritong Kumbensiyon.” Tanong-sagot na pagtalakay sa insert, parapo 1-13. Itampok ang pangangailangan na maging tahimik at nakikinig sa panahon ng programa.
Awit 174 at panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 2-8
7 min: Magpasigla sa pakikibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito. Itanghal ang dalawang inihandang presentasyon sa magasin, ang isa’y nagtatampok sa kasalukuyang Bantayan at ang isa ay kasalukuyang Gumising!
13 min: Repasuhin ang ilang bahagi ng New World Translation. Ipakita kung papaanong ang panggilid na reperensiya ay maaaring gamitin upang madaling hanapin ang mga teksto sa paksang pinag-uusapan. Ipaliwanag kung papaanong ang isang interesadong tao ay makagagamit sa bahaging ito at matuto pa nang higit sa Salita ng Diyos. Komentuhan sa maikli ang nilalaman ng appendix. Itanghal ang presentasyon ng Bibliyang New World Translation kasama ng aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan.
25 min: “1986 ‘Banal na Kapayapaan’ na Pandistritong Kumbensiyon.” Tanong-sagot na pagtalakay ng insert, parapo 14-27. Itampok ang pangangailangan ng wastong ayos at pananamit samantalang dumadalo sa kumbensiyon. Pangangasiwaan ng punong tagapangasiwa.
Awit 20 at panalangin.