Mga Patalastas
● Ang alok na literatura sa Oktubre: Suskripsiyon ng Gumising! sa isang taon sa ₱50.00. Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang rebisadong aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱63.00. (Pansinin: Yaong mayroon pang mga aklat na newsprint sa kanilang wika ay dapat mag-alok ng 3 sa mga ito sa ₱7.00 o isa sa ₱2.50 sa halip na Bibliya at aklat sa itaas.) Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱35.0O.
● Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Disyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.
● Ang Nobyembre 1 ay maaaring gamitin sa pantanging gawain sa magasin, maging sa libingan o kaya’y sa bahay-bahay.
● Ang mga pidido para sa 1987 Yearbook at kalendaryo ay dapat na ipadala na ngayon sa Samahan. Kami ay nagpadala ng isang pantanging Yearbook and Calendar Order Blank sa bawa’t kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Agosto. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik karakaraka sa Samahan, upang ito ay dumating sa tanggapang pansangay sa Nobyembre 1. Ang halaga ng Yearbook ay ₱14.00. Ang mga regular at espesyal payunir na nasa listahan mula Hulyo 1, 1986 o bago pa ang petsang ito ay tatanggap ng isang libreng kopya ng Yearbook, at ang kongregasyon ay hihiling ng credit para dito sa Remittance and Credit Request (S-20) kapag ipinadala nila ang bayad pagkatapos matanggap ang mga Yearbook. Maaaring kumuha ng karagdagang kopya ang mga payunir para ilagay sa mga hindi pa naaalay na mga tao sa ₱7.00 bawa’t isa. Pakisuyong ilagay ang walang bayad na kopya na hiwalay sa mga kinuha sa halaga ng payunir kapag humihiling ng pioneer credit. Ang kalendaryo ay ₱14.00 din. Walang halaga para sa mga payunir sa mga ito, o kaya’y ibibigay na libre sa mga payunir.
● Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
Watch Tower Publications Index, 1984—Ingles
Aklat na Mabuhay Magpakailanman (maliit na edisyon)—Intsik
Brochure na Pamahalaan—Intsik
Brochure na Tamasahin ang Buhay—Arabic
Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? (maliit na edisyon)—Intsik
Aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan (rebisado)—Intsik
● Makukuha na Namang mga Publikasyon:
Brochure na Tamasahin ang Buhay—Ingles
Brochure na School—Ingles
Jehovah’s Witnesses in the 20th Century—Ingles
Bibliyang Kingdom Interlinear—Ingles
Comprehensive Concordance—Ingles
New World Translation (bi12)—Ingles
Reasoning From the Scriptures—Ingles
Aklat na Mabuhay Magpakailanman (maliit na edisyon)—Ingles
Aklat na All Scripture is Inspired of God—Ingles
A God Who Cares—Ingles
Learn to Read and Write—Ingles
Kingdom News No. 30—Ingles