Mga Paalaala sa Pandistritong Kumbensiyon
TULUYAN: Kami ay nagpapadala ng suplay ng Room Request forms para sa bawa’t kongregasyon. Ang mga nangangailangan ng tuluyan ay kailangang punan ang isa sa mga pormang ito at ibigay sa convention coordinator ng inyong kongregasyon. Kaniyang susuriin ito at pipirmahan at pagkatapos ay ipadadala ito sa Watch Tower Convention sa isa sa mga direksiyon sa ibaba.
Disyembre 25-28, 1986
Ilagan, Isabela: c/o Isidro Balmaceda, Baculod, Hagan, Isabela 1301
Vigan, Ilocos Sur: 54 Quirino Blvd., Vigan, Ilocos Sur 0401
Lingayen, Pangasinan: c/o Rufo Macaraeg, 71 Tonton, Lingayen, Pangasinan 0702
Candelaria, Zambales: c/o Ricardo Reyes, Poblacion, Candelaria, Zambales 2205
Marikina, MM: P.O. Box 2044, Manila 2800
Cavite City: Kingdom Hall, 700 Capt. Novales St., Caridad, Cavite City
Iriga City: 38 Waling-waling St., San Miguel, Iriga City
Puerto Princesa City: c/o Barn’s Studio, Malvar St., Puerto Princesa City
Tacloban City: Kingdom Hall, 185 M. H. del Pilar St., Tacloban City 7101
Surigao City: c/o Alfredo Alutaya, 735 Navarro St., Surigao City 8501
Pagadian City: c/o Josue Cagampang, Don Sire Deluxe Tailor, Pajares St., Pagadian City 7824
Digos, Davao del Sur: c/o Zosimo Tagalog, Post Office, Digos, Davao del Sur 9502
Tantangan, South Cotabato: c/o Oscar Presas, Mangilala, Tantangan, South Cotabato 9326
Disyembre 26-29, 1986
Tagbilaran City: c/o Felix Acma, 44 R. Palma St., Tagbilaran City 6301
Enero 1-4, 1987
Tuguegarao, Cagayan: c/o Pacifico Ubina, 31 Caritan Sur, Tuguegarao, Cagayan 1101
Agoo, La Union: c/o Edgar Rivera, Consolacion, Agoo, La Union 0507
Binalonan, Pangasinan: c/o Santiago Partido, Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, Binalonan, Pangasinan 0714
Tarlac, Tarlac: c/o Gregorio Ibarra, Aguso, Tarlac, Tarlac 2101
Quezon City: P.O. Box 2044, Manila 2800
Lucena City: c/o Emilio S. Pascua, 85 Hasmin St., Saballero Subd., Lucena City 3901
Masbate, Masbate: c/o Dasas Welding Shop, Zurbito St., Masbate, Masbate
Iloilo City: 65 Escarilla Subd., Mandurriao, Iloilo City 5901
Cebu City: 828-B Mercado Compound, Tres de Abril St., Punta Princesa, Cebu City 6401
Ormoc City: c/o Sofonias Bongat, Post Office, Ormoc City
Iligan City: c/o Timoteo Lizondra, Balite Drive, Tibanga, Iligan City 8801
Tagum, Davao del Norte: Kingdom Hall, 1036 Rizal St., Tagum, Davao del Norte 9401
Koronadal, South Cotabato: Kingdom Hall, 126 de Pedro St., Koronadal, South Cotabato 9708
ORAS NG PROGRAMA: Landasin ng katalinuhan at pagpapakita ng pagpapahalaga na nasa inyong upuan na sa pagpapasimula ng programa. Ito ay sa ala 1:30 n.h. sa Huwebes, alas 8:50 n.u. sa Biyernes, at alas 9:00 n.u. sa Sabado at Linggo. Ang gayunding katangian ay naipamamalas kapag hindi tayo nagbabalak na umalis bago matapos ang sesyon. Ang pansarang awit at panalangin ay sa alas 5:10 n.h. ng Huwebes. Ang Biyernes ng hapon ay ilalaan para sa isang pantanging pagsisikap sa paglilingkod sa larangan, pagkatapos ng pansarang awit at panalangin sa alas 3:00 n.h. Sa Sabado ang pansarang awit at panalangin ay sa alas 5:00 n.h. at sa Linggo ay sa alas 4:00 n.h.
PANTANGINC MGA PAGTITIPON: Ang pulong na idaraos para sa lahat ng regular at espesyal payunir at mga naglalakbay na tagapangasiwa ay sa 11:45 n.u. sa Biyernes, samantalang ang pulong ng lahat ng mga matatanda ay idaraos sa 11:45 n.u. ng Sabado. Ang lugar para sa mga pulong na ito ay ipatatalastas sa plataporma ng kumbensiyon.
PIONEER IDENTIFICATION: Ang lahat ng mga regular at espesyal payunir at ang mga naglalakbay na tagapangasiwa ay dapat na magdala ng kanilang Identification and Assignment card (S-202) sa kumbensiyon. Ang mga nasa talaan mula sa Hulyo 1, 1986 o bago pa ng petsang ito ay tatanggap ng ₱50.00 na halaga ng tiket sa kumbensiyon kapag iniharap nila ang kanilang ID card sa kumbensiyon lamang na yaon. Pag-ingatan ninyo ang card gaya ng pera. Hindi ito papalitan sa kumbensiyon. Anumang regalong babasahing ilalabas o iba pang literatura sa halaga ng payunir ay makukuha ng mga payunir sa bookroom kapag ipinakita nila ang kanilang ID card.
LAPEL CARDS: Ang mga cards na ito ay inilaan upang mailathala ang kumbensiyon at madaling makilala ang ating mga dumadalong kapatid na lalake at babae. Dahilan dito, pakisuyong isuot ang pantanging idinisenyong lapel card sa kumbensiyon at habang naglalakbay mula at patungong kumbensiyon. Hindi lamang isang mainam na paraan ng pagpapakilala ang card kundi ito kadalasan ay nakapagbibigay ng mainam na patotoo habang naglalakbay. Dapat ninyong kunin ito sa pamamagitan ng inyong kongregasyon yamang ang mga ito ay hindi makukuha sa mga kumbensiyon. Ang lapel cards ay 15₵ ang isa at ang lalagyang celluloid ay ₱1.00 ang isa. (Pansinin ng kalihim: Ang mga lapel cards ay dapat na pinidido sa Special Order Blank for Forms. Kung hindi ito nagawa, magpadala ng regular na S-14 para sa pidido nito ngayon.)
ISANG BABALA; Saan man kayo dadalo, ingatan ninyo ang inyong mga kagamitan sa lahat ng panahon. Kung mayroon kayong sasakyan, tiyaking nakakandado at huwag ninyong iwanan ang anumang bagay na mahalaga sa isang nakaparadang sasakyan. Gayundin, mag-ingat sa mga magnanakaw at mandurukot na naaakit ng malalaking pagtitipon. Sinasaklaw nito ang hindi pag-iiwan ng anumang bagay na mahalaga nang walang tumitingin sa mga upuan sa kumbensiyon.