Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MARSO 8-14
7 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Ibalangkas ang mga kaayusan para sa gawain sa magasin sa Sabadong ito at pasiglahin ang lahat na makibahagi.
18 min: “Pakikibahagi Nang Lubusan sa mga Gawain sa Marso at Abril.” Pagtalakay sa artikulo na may pakikibahagi ang tagapakinig. Sa pagtalakay sa parapo 3, sabihin sa kongregasyon ang bilang ng dumalo sa Memoryal sa kongregasyon nang nakaraang taon. Sa parapo 4, sabihin sa kongregasyon kung gaano karaming mamamahayag ang nag-ulat noong Abril, 1986 at gaano karami ang ngayon ay nasa kongregasyon. Himukin ang lahat na gumawa ng 100-porsiyentong pakikibahagi sa Abril. Sa parapo 6, sabihin sa kongregasyon kung ilan ang nakibahagi sa gawaing auxiliary payunir noong Marso at Abril, 1986, at gayundin, gaano karami ang nagpatala para sa Marso, 1987. Pasiglahin ang lahat na sumama sa pag-aauxiliary payunir sa Abril kung magagawa nila.
20 min: “Ang Auxiliary na Pagpapayunir—Nasubukan na ba Ninyo Ito?” Tanong-sagot na pagtalakay ng artikulo sa insert. Maghanda ng mga aplikasyon para sa mga nagnanais na magpatala bilang auxiliary payunir sa Abril.
Awit 162 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Patuloy na idiin ang auxiliary na pagpapayunir sa Abril.
20 min: “Ang Pagiging Payak ay Tumutulong sa Atin na ‘Tiyakin ang Higit na Mahahalagang mga Bagay.’” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo sa insert. Ipabasa ang mga susing parapo.
15 min: Pakikinabang Mula sa mga Tapat na Pastol. Nakapagpapasiglang pahayag ng matanda tungkol sa mga pagdalaw bilang pagpapastol. Idiin na ang mga matatanda ay naroroon upang magbigay ng espirituwal na pampatibay-loob at magbigay ng tulong kung kinakailangan. Itampok ang mga punto sa artikulong “Elders, Take Your Shepherding Responsibilities Seriously” sa Nobyembre 15, 1985 na Watchtower.
Awit 184 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin ang “Tanong” sa pahina 8. Pasiglahin ang lahat na anyayahan ang mga interesado sa pantanging pahayag pangmadla sa Linggo, Marso 29.
20 min: “Makapagpapasimula ba ng Pag-aaral sa Bibliya ang Marami Pa?” Tanong-sagot. Ilakip ang limang-minutong pagtatanghal sa paggawa ng pagdalaw-muli sa napaglagyan ng brochure na “Narito!” Akayin sa isang pag-aaral.
15 min: Pahayag ng isang matanda na ulo ng pamilya sa temang, “Kayo ba ay Nagdaraos ng Mabisang Pampamilyang Pag-aaral?” Repasuhin ang tampok na bahagi ng pinag-aaralang mga artikulo ng Bantayan ng Nobyembre 1, 1986. Gumawa ng lokal na aplikasyon.
Awit 210 at panalangin.
LINGGO NG MAR. 29—ABR. 4
7 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa pagpapatotoo sa Linggo, Abril 5, upang magkaroon ng isang mabuting pasimula sa Abril. Ang lahat ay dapat gumawa ng pantanging pagsisikap na anyayahan ang mga interesado sa Memoryal. Hindi pa huli upang magpatala bilang isang auxiliary payunir pasa sa Abril, kaya himukin ang lahat na makapagpapayunir na sumama sa maligayang grupong ito.
20 min: “Mga Kabataan—Abutin ang Kapakipakinabang na mga Tunguhin.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pasiglahin ang mga kabataan na magkaroon ng mga espirituwal na tunguhin at pagsikapang abutin ang mga iyon. Kapanayamin ang isa o dalawang regular payunir o mga kabataan na nagnanais abutin ang karera ng pambuong panahong paglilingkod. Hayaang ipahayag nila kung bakit nila pinili ang mga espirituwal na tunguhin sa halip na karera ng sanlibutang ito.
18 min: “Ang Regular Payunir na Paglilingkuran—Isang Paanyayang Aakay sa Higit na Kaligayahan.” Pahayag na may pagtalakay sa tagapakinig sa artikulo ng insert.
Awit 204 at panalangin.
LINGGO NG ABRIL 5-11
7 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang gawain sa magasin sa Sabadong ito. Idiin ang pagbasa sa Bibliya sa linggo ng Memoryal at magbigay ng pangwakas na patalastas hinggil sa Memoryal. Tiyaking naipamahagi ang lahat ng mga paanyaya sa Memoryal. Ipagunita din sa mga kapatid na iulat ang unang dalawang linggong gawain sa Abril sa Abril 12.
18 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng mga Pagdalaw-muli.” Tanong-sagot. Magkaroon ng pagtatanghal na umaakay sa isang pag-aaral sa brochure na “Narito!” kapag isinasaalang-alang ang mga parapo 3 at 4. Habang ipinahihintulot ng panahon, kapanayamin ang isang mamamahayag na mahusay sa pagdalaw-muli. Magbigay ng mga praktikal na mungkahi na makatutulong sa baguhan at walang karanasang mga mamamahayag.
20 min: Lokal na pangangailangan o pahayag ng isang matanda sa artikulong, “Ikaw ba’y May Mapag-usisang Kaisipan?” mula sa mga pahina 27-29 ng Pebrero 1, 1987 Bantayan.
Awit 8 at panalangin.