Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HUNYO 7-13
10 min: Angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Magpasigla para tangkilikin ang gawain sa magasin sa Sabado, Hunyo 13. Repasuhin ang isa o dalawang artikulo sa kasalukuyang isyu ng Gumising! na maaaring itampok.
20 min: “Pagpapanatili ng Kagalakan sa Ating Ministeryo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Gumawa ng dalawang pagtatanghal kapag isinasaalang-alang ang parapo 5. Sa unang pagtatanghal, gamitin ang kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan at ialok ang aklat na mga Kuwento sa Bibliya. Sa ikalawang pagtatanghal, sumabad ang maybahay sa pagsasabi sa mamamahayag ng: “Ako’y abala.” Ginamit ng mamamahayag ang mungkahing sagot mula sa aklat na Reasoning sa ilalim ng “Conversation Stoppers” at pagkatapos ay nag-alok ng brochure na “Narito!” na kinuha naman ng maybahay. Gumawa ng kaayusan na magbalik sa susunod na linggo upang ipakita kung paano makatutulong sa maybahay ang brochure upang matutuhan ang mga layunin ng Diyos.
15 min: Pahayag sa artikulong “Isang Nagagalak na Bayan—Bakit?” sa Marso 15, 1987 Bantayan, mga pahina 21-23.
Awit 19 at panalangin.
LINGGO NG HUNYO 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Banggitin ang pagtanggap ng Samahan sa kontribusyon na lumitaw sa buwanang statement. Idiin ang mga kaayusan sa dulong sanlinggong paglilingkuran. Imungkahi na kanilang dalhin ang bagong Index sa Pulong Ukol sa Paglilingkod sa susunod na linggo.
20 min: “Ang Pakikibahagi sa Ministeryo Bawa’t Linggo ay Nagdadala ng Higit na Kagalakan.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Idiin ang kahalagahan ng personal na eskedyul at ang paggamit ng kalendaryong inilaan ng Samahan.
15 min: Pahayag sa artikulong “Pagsunod sa mga Prinsipyo ng Bibliya—Ang Pinakamagaling na Paraan” sa Bantayan ng Pebrero 1, 1987, mga pahina 4-7.
Awit 186 at panalangin.
LINGGO NG HUNYO 21-27
10 min: Lokal na mga patalastas. Hinihimok ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabado, Hunyo 27.
15 min: Gamiting Mabuti ang mga Publikasyon ng Watch Tower. Pahayag. Itampok ang mga praktikal na reperensiya na inilaan sa mga paksang tulad ng “Ministry” o “Medical Treatment” sa Watch Tower Publications Index. Idiin kung paanong ang bagong Index ay mahalaga sa paghanap ng mga kasagutan sa mga katanungan, sa pagsasaliksik, paghahanda ng mga pahayag, atb. Itampok ang mga punto sa mga pahina 5 at 6. Kapag walang bagong Index, ipaliwanag at itanghal ang paggamit ng mga indise o ang talaan ng mga nilalaman at kasulatan at mga indise ng paksa sa bawa’t publikasyon. Pasiglahin ang lahat na gamiting mabuti ang mga publikasyon ng Samahan sa paghanap ng mga sagot sa mga katanungan sa Bibliya. Gumawa ng personal na pagsasaliksik; humiling ng tulong sa mga matatanda kung kinakailangan. Ang kahulihulihang magagawa ay ang sumulat sa Samahan. (Pansinin ang km 7/83 p. 8.)
20 min: “Ihanda ang mga Estudiyante na Makibahagi sa Ministeryo.” Tanong-sagot na pagtalakay ng artikulo na gagampanan ng kalihim. Itampok ang pangangailangan na tiyakin ng mamamahayag na nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya kung kailan handa na ang estudiyante na bumahagi sa ministeryo sa larangan.
Awit 121 at panalangin.
LINGGO NG HUNYO 28—HULYO 4
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Magbigay ng pantanging pagdiriin sa pagpapatotoo sa unang Linggo ng Hulyo 5.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Isang Mabisa at Maayos na Paraan.” Tanong-sagot. Kapag tinatalakay ang parapo 4, magkaroon ng maikling pagtatanghal ng isang kapatid na lalake na nagpapakita sa bagong mamamahayag kung paano mag-iingat ng house-to-house record at nagpapaliwanag sa pangangailangan na ingatang mabuti ang territory map card upang ito ay hindi mawala o masira.
15 min: Pakikinabang Nang Personal sa Pagbabasa ng Ang Bantayan. Isang kuwalipikadong kapatid na lalake ang makikipanayam sa dalawa o tatlong mamamahayag na suskritor sa loob ng maraming taon at mabubuting halimbawa sa kongregasyon. Ilang taon na silang personal na nagbabasa ng Ang Bantayan? Paano nakatulong sa kanila sa espirituwal ang publikasyong ito? Anong bahagi nito ang gustong-gusto nila? Ano ang damdamin nila sa pag-aalok nito sa iba?
Awit 92 at panalangin.
LINGGO NG HULYO 5-11
15 min: Lokal na mga patalastas. Idiin ang gawain sa magasin sa Sabado, Hulyo 11. Repasuhin ang litaw na mga punto mula sa pinakahuling mga labas na maaaring gamitin. Repasuhin ang impormasyon sa “Tanong” sa pahina 4.
15 min: “Pagtuturo Taglay ang mga Ilustrasyon.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan salig sa Marso 15, 1987, Bantayan, pahina 8. Ilakip ang mga punto sa Giya sa Paaralan, araling 34, habang ipinahihintulot ng panahon.
15 min: Lokal na pangangailangan o repasuhin ang mga tampok na bahagi sa nakaraang dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, na idiniriin ang isa o dalawang punto na dapat na pasulungin ng kongregasyon.
Awit 211 at panalangin.