Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HULYO 12-18
8 min: Angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas.
17 min: “Pangmadlang Paghahayag ng Ating Pag-asa.” Pagtalakay na may pakikibahagi ang tagapakinig. Idiin ang kahalagahan ng pagpapasimula ng mga pag-aaral sa aklat na Mabuhay Magpakailanman. Kapanayamin ang isa sa kongregasyon na ang interes ay napukaw sa pamamagitan ng pag-aaral sa aklat na Mabuhay Magpakailanman. Banggitin kung anong bahagi sa aklat ang nagpaningas ng interes.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot. Sa parapo 3, magharap ng demonstrasyon na nagpapakitang humihiling ng tulong ang isang mamamahayag sa isang payunir sa pagbubukas ng isang pag-aaral. Ipakita kung paano maghahanda na ginagamit ang brochure na “Narito!” Pagkatapos ng demonstrasyon, ipakita ng tsirman na ang bawa’t maybahay ay hindi magkakapareho at may espesipikong mga pangangailangan at interes. Idiin ang kahalagahan ng patiunang pag-aaral at panalangin. Sa parapo 5, ipakita na ang mga mamamahayag ding iyon ay gumagawa ng isang pagdalaw-muli at nagpapasimula ng isang pag-aaral na gumagamit ng mga parapo 1-4 ng brochure na “Narito!”
Awit 126 at panalangin.
LINGGO NG HULYO 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipatalastas kung may pahiwatig ang Samahan para sa anumang abuloy na tinanggap noong Hunyo. Teokratikong mga Balita. Ilakip ang tampok na bahagi sa Hunyo 1, 1987, artikulo ng Bantayan “Magbubukas ang Isang Bagong Paaralan.”
18 min: “Pagtugon sa Pag-ibig ni Jehova sa Panahon ng Kabataan.” Tanong-sagot na pagtalakay. Maaaring kapanayamin ang isang huwarang kabataang mamamahayag na nag-auxiliary payunir noon o nagpaplanong gawin iyon sa panahon ng bakasyon sa paaralan.
10 min: Kung Ano ang Ginagawa ng mga Kabataan sa Organisasyon ni Jehova. Sa ilalim ng pangangasiwa ng isang matanda o kuwalipikadong ministeryal na lingkod, kapanayamin ang ilang kabataan na may mabuting pagsasanay kung paanong ang mga kabataang Saksi sa palibot ng daigdig ay gumagawa ng mainam na kontribusyon sa paghahayag ng Kaharian. Maaaring isama ang ilang lokal na karanasan bukod doon sa mga nasa pahina 41-2, 51, at 57-8 ng 1987 Yearbook.
7 min: Pagtalakay sa “Tanong” ng matanda.
Awit 164 at panalangin.
LINGGO NG HULYO 26—AGOS. 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na makibahagi sa pagpapatotoo sa unang Linggo ng Agosto 2.
20 min: “Tulungan ang mga Baguhan na Gumawa ng Espirituwal na Pagsulong.” Tanong-sagot. Sa pagtalakay sa parapo 2, ilakip ang isang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung paano pasisiglahin ang baguhang interesado na dumalo sa pansirkitong asamblea. Ginagamit ang mga pahina 18 at 19 ng brochure na Paggawa ng Kalooban ng Diyos, inanyayahan ng mamamahayag ang baguhan na sumama sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
15 min: “Ikaw ba ay Kakapit Nang Mahigpit sa Katotohanan?” Pahayag salig sa artikulo ng Marso 15, 1987, Bantayan, pahina 29.
Awit 71 at panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 2-8
8 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla ukol sa pagtangkilik sa gawain sa magasin sa Sabado, Agosto 8.
17 min: Alok para sa Agosto at Setyembre. Talakayin ang mga litaw na punto na maaaring gamitin sa pag-aalok ng mga brochure na Pamahalaan at Banal na Pangalan. Ipakita kung paanong ang Paksang Mapag-uusapan ay magagamit sa alok. Itanghal kung paano ihaharap ang bawa’t brochure.
20 min: Pahayag sa “Tatapusin ng Diyos ang Inyong Pagsasanay” sa Hunyo 15, 1987, Bantayan, pahina 28.
Awit 91 at panalangin.