Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG AGOSTO 9-15
10 min: Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Ibigay ang mga pangalan ng mga nagpatala bilang mga auxiliary payunir sa Agosto, at himukin ang iba na maglingkuran kasama ng mga payunir.
20 min: “Ang Bawa’t Isa ay Maaaring Makabahagi.” Pahayag at pagtatanghal. Pagkatapos ng maikling pambungad salig sa parapo 1, magharap ng dalawang mabuti-ang-pagkakaensayong pagtatanghal na tinalakay sa mga parapo 2 at 3. Pasiglahin ang mga kabataang mamamahayag sa kongregasyon na matutuhan ang presentasyon. Habang ipinahihintulot ng panahon, humiling ng komento mula sa mga mamamahayag tungkol sa pag-aalok ng brochure at kung ano ang kanilang nagawa sa paglilingkod sa larangan sa unang Linggo ng buwan. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ang mga nailagay na brochure ay bibilangin bilang mga bukleta.
15 min: Pahayag sa “Ang Pagsupil sa Galit sa Isang Nagagalit na Daigdig,” salig sa mga artikulo sa mga pahina 3 hanggang 6 ng Hulyo 1, 1987, Bantayan.
Awit 124 at panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipahayag ang pagpapahalaga sa pinansiyal na tulong ng kongregasyon, at iulat ang pahiwatig ng Samahan sa anumang abuloy na ipinadala noong Hulyo. Banggitin ang abuloy na ginawa upang tulungan ang mga misyonero na makadalo sa 1988 na kombensiyon.
20 min: “Regular na Pagpapayunir—Maaari ba Kayong Magsimula sa Setyembre?” Tanong-sagot na pagtalakay sa materyal. Pasiglahin ang mga kuwalipikado at nasa kalagayan na pumasok sa gawaing regular payunir sa Setyembre. Maaaring ilakip ang patiunang inihandang mga karanasan na maaaring magpatibay sa mga nagbabalak na magpatala bilang mga regular payunir.
15 min: “Pag-aaral sa Brochure na Banal na Pangalan.” Tinalakay ng konduktor sa pag-aaral ang mga punto sa isang kapatid na lalaking nasa kaniyang grupo na nagtatanong kung paano gagamitin ito.
Awit 59 at panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 23-29
13 min: Lokal na mga patalastas. Isaalang-alang din ang “Tanong.”
12 min: Gamitin ang Aklat na Reasoning sa Inyong Teritoryo. Pumili ng isa o dalawang paksa mula sa aklat na Reasoning na kadalasang bumabangon, at itanghal kung paanong ang aklat na Reasoning ay maaaring gamitin upang tulungan ang maybahay. Habang ipinahihintulot ng panahon, maaari ding humiling ng mga karanasan sa paggamit sa aklat na Reasoning.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa mga Baguhan.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Gumamit ng isa o dalawang inihandang karanasan upang ipaghalimbawa ang mga punto sa artikulo. Idiin ang pangangailangan na maging gising ang mga may karanasang mamamahayag sa pagtulong sa mga baguhan. Hangga’t maaari, ang bawa’t isa ay boluntaryong tumulong at positibong tumugon kapag hiniling ng mga tagapangasiwa ang inyong tulong para sa mga baguhan.
Awit 133 at panalangin.
LINGGO NG AGOS. 30–SET. 5
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa unang Linggo, Setyembre 6.
15 min: Paghahanda para sa alok sa Setyembre. Magmungkahi at magtanghal ng mga litaw na punto mula sa mga brochure na Pamahalaan at Banal na Pangalan na napatunayang mabisa noong Agosto. Tanungin ang mga mamamahayag para sa mga punto na nasumpungan nilang nakatutulong, lakip na ang anumang mabubuting karanasan na tinamasa sa paglalagay ng mga brochure noong Agosto.
20 min: Pahayag ng kuwalipikadong matanda sa “Sanayin ang Inyong Anak Mula sa Pagkasanggol,” salig sa mga artikulo sa Mayo 22, 1987, Gumising!, mga pahina 3-11.
Awit 162 at panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 6-12
10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabado, Setyembre 12. Itanghal ang dalawang maikling presentasyong angkop sa lokal na teritoryo.
15 min: Ano ang Umakay sa Inyo na Maglingkod kay Jehova? Mga karanasan mula sa mga piniling mamamahayag na naglalahad kung ano ang nakaakit sa kanila sa katotohanan at nagpangyari sa kanilang maglingkod kay Jehova. Talakayin ito nang patiuna sa mga mamamahayag upang magkaroon sila ng tiyak at nakapagpapatibay na punto sa isipan.
20 min: Lokal na pangangailangan o pahayag sa “Ang Espiritu na Pinagpapala ni Jehova,” salig sa artikulo ng Agosto 1, 1987, Bantayan, pahina 26.
Awit 211 at panalangin.