Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG OKTUBRE 11-17
10 min: Lokal na mga patalastas at angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Ang Salita ng Diyos ay Makapangyarihan.” Tanong at sagot. Sa pagtalakay sa parapo 4 at 5, itanghal ang bagong Paksang Mapag-uusapan hanggang sa pag-aalok ng suskripsiyon sa Gumising!
15 min: “Ano ang Inyong Espirituwal na mga Tunguhin sa Hinaharap?” Pahayag ng isang matanda na salig sa aklat na Ating Ministeryo sa sub-titulong nagsisimula sa pahina 116.
Awit 51 at panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 18-24
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Himukin ang lahat na makibahagi sa pamamahagi ng mga magasin sa ikaapat na Sabado ng Oktubre. Magmungkahi ng angkop na mga presentasyon para sa bagong mga labas ng magasin.
25 min: “Gamitin ang Index Upang Sumulong sa Espirituwal.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo, na susundan ng pagtatanghal ng isang baguhan na lumapit sa may-karanasang kapatid upang itanong kung paanong mapagtagumpayan ang pagtutol, “Ako’y abala.” Tinukoy ng may-karanasang kapatid ang seksiyong “How to Find Information” na nagsisimula sa pahina 5 ng Index. Ipinakita rin ang pahina 7 at 8. Upang masagot ang tanong, hinanap nila ang pangunahing pamagat na “Field Ministry” at tiningnan ang “objections” sa pahina 309. Inisa-isa nila ang mga ito hanggang sa dumating sa “busy.” Pagkumentuhan din ang mga punto sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 19 at 20.
10 min: “Maaari ba Kayong Mag-auxiliary Payunir sa Nobyembre?” Pahayag ng isang matanda. Pasiglahin ang lahat na may-panalanging isaalang-alang ang pagiging auxiliary payunir sa Nobyembre. Maghanda ng mga aplikasyon upang gamitin ng mga nagnanais magpatala.
Awit 203 at panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 25-31
10 min: Lokal na mga patalastas at pagsasaalang-alang ng pang-araw-araw na teksto. Pasiglahin ang pakikibahagi ng buong pamilya sa pagpapatotoo sa unang Linggo sa Nobyembre 1.
17 min: “Maging Handa sa Espirituwal sa Paaralan.” Tanong at sagot. Sa pagtalakay sa parapo 5, magsaayos ng dalawang pagtatanghal. Sa unang pagtatanghal, ang magulang ng maliit na bata ay nagbigay ng brochure sa prinsipal ng paaralan. Sa ikalawang pagtatanghal, isang tinedyer ang nagkaloob ng kopya sa kaniyang guro.
18 min: “1987 ‘Magtiwala kay Jehova’ na Pandistritong Kombensiyon”—Unang Bahagi. Tanong-sagot na pagtalakay sa insert, parapo 1-15.
Awit 10 at panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 1-7
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang New World Translation.” Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig. Itanghal sa maikli ang mga mungkahi sa parapo 3-5.
18 min: “1987 ‘Magtiwala kay Jehova’ na Pandistritong Kombensiyon”—Ikalawang Bahagi. Tanong-sagot na pagtalakay ng insert, parapo 16-29. Kung ipahihintulot ng panahon, talakayin din ang angkop na “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon.”
Awit 134 at panalangin.