Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/87 p. 7
  • Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 1988

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 1988
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Subtitulo
  • MAGKAKASABAY NA ESKEDYUL
  • MGA PAHAYAG MULA SA AKLAT NA NANGANGATUWIRAN
Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
km 11/87 p. 7

Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 1988

1 Kalakip sa labas na ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ipinadadala namin ang Theocratic Ministry School Schedule for 1988. Tutulong ito sa mga tagapangasiwa sa paaralan upang maging pamilyar sa mga tagubilin at gumawa ng pati-unang mga atas sa mga may bahagi. Ang lahat ay dapat maging pamilyar sa mga tagubilin upang maihanda at maiharap ang kanilang mga atas sa wastong paraan.

2 May ilang pagbabago sa eskedyul sa taóng ito na nais naming itawag sa inyong pansin. Pakisuyong pansinin ang mga ito sa pagbabasa ng inyong bagong eskedyul.

MAGKAKASABAY NA ESKEDYUL

3 Sa loob ng maraming taon, ang ating Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay nahuli ng isang taon kung ihahambing sa eskedyul sa Estados Unidos at sa ibang bansa. Ito’y sapagka’t hindi namin natanggap ang materyal nang maagap upang limbagin at ipamahagi sa panahong nakatakda. Nguni’t ngayon ay kagalakan naming ipatalastas na, simula sa eskedyul ng 1988, ang eskedyul ay magiging kapareho sa ibang mga bansa. Sabihin pa, ito’y nangangahulugan na may lalaktawan tayong ilang aklat ng Bibliya sa ating eskedyul, kaya mapapansin ninyo na magsisimula tayo sa Enero sa pagbabasa ng Bibliya sa Isaias 14-17. Maaaring pribadong basahin ng iba ang nilaktawang mga bahagi mula sa Awit 70 hanggang sa Isaias 13 kung gusto nila.

4 Ang isa pang pagbabago ay may kinalaman sa mga petsa sa eskedyul. Mapapansin ninyo na ang unang linggo ay sa Enero 4-10. Ito ay mula Lunes hanggang Linggo, sa halip na Linggo hanggang Sabado na dati nating kinagawian. Mangangahulugan ito na sa Enero 3, yaong mga nagdaraos ng kanilang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa araw ng Linggo ay walang eskedyul dahil sa pagbabagong ito. Nguni’t yamang ang lahat ay may mga kombensiyon sa panahong ito, kailangang lumaktaw kayo ng isang linggo upang dumalo sa kombensiyon kung kaya hindi kayo mahihirapan sa pagbabagong ito.

MGA PAHAYAG MULA SA AKLAT NA NANGANGATUWIRAN

5 Mapapansin ninyo na madalas na gagamitin ang aklat na Nangangatuwiran sa bagong eskedyul na ito. Nguni’t, pansinin na ang mga pahinang ibinibigay para sa mga atas ay para sa edisyong Ingles ng aklat na ito. Iba naman ang mga pahina sa mga edisyong Cebuano, Iloko at Tagalog. Dahil dito ay nagpapadala kami sa bawa’t kongregasyon ng dalawang kopya ng isang listahan na nagbibigay ng katumbas na numero ng pahina para sa mga atas sa Cebuano, Iloko at Tagalog. Kapag nagbibigay ng atas, ang mga tagapangasiwa sa paaralan ay dapat magbigay ng mga pahina kapuwa sa Ingles at sa lokal na wika bilang tulong sa mga estudyante sa paghahanda. Ang isang kopya ng listahang ito ay maaaring ipaskil sa patalastasan para kunsultahin ng lahat.

6 Inaasahan namin na ang lahat ay makikinabang nang malaki sa bagong eskedyul na ito ng paaralan at hinihimok namin ang lahat na makibahagi nang palagian upang sumulong sa espirituwal.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share