Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/87 p. 2
  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Subtitulo
  • LINGGO NG NOBYEMBRE 8-14
  • LINGGO NG NOBYEMBRE 15-21
  • LINGGO NG NOBYEMBRE 22-28
  • LINGGO NG NOB. 29–​DIS. 5
  • LINGGO NG DISYEMBRE 6-12
Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
km 11/87 p. 2

Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

LINGGO NG NOBYEMBRE 8-14

Awit 178

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Imungkahi sa kapatid na humahawak ng literatura na pumidido nang maaga para sa kampanya sa matatagal nang aklat at pulyeto sa Enero at Pebrero. Pasiglahin ang pakikibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.

20 min: “Kapayapaan at Katiwasayan​—Isang Mapananaligang Pag-asa.” Pahayag sa unang limang parapo, saka pagtalakay sa tagapakinig sa parapo 6-8. Sa parapo 7, magsaayos ng pagtatanghal kung paano gagamitin ang iminungkahing mga puntong mapag-uusapan sa aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan.

15 min: Isang Namumukud-Tanging Salin ng Bibliya. Pahayag may kaugnayan sa New World Translation. Ibatay ang pahayag sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 276-9 (254-7 sa Tagalog).

Awit 180 at panalangin.

LINGGO NG NOBYEMBRE 15-21

Awit 98

10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Isama ang pagtanggap ng mga abuloy na lumitaw sa buwanang statement.

15 min: “Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 1988.” Tanong at sagot ng tagapangasiwa sa paaralan.

20 min: Pahayag sa “‘Isang Panahon Upang Magsalita’​—Kailan?” salig sa artikulo sa Bantayan ng Setyembre 1, 1987.

Awit 184 at panalangin.

LINGGO NG NOBYEMBRE 22-28

Awit 13

7 min: Lokal na mga patalastas. Isaalang-alang sa maikli ang mga artikulo sa mga magasin na maaaring gamitin sa Sabadong ito sa pamamahagi ng magasin.

20 min: “Tulungan ang Iba na Mag-alay at Magpabautismo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Idiin na ang mga sinang-ayunang kasama ay kailangang magkaroon ng tunguhin na maging kuwalipikado para sa bautismo. Kapanayamin ang dalawa o tatlong mamamahayag na kababautismo pa lamang tungkol sa kanilang espirituwal na pagsulong at sa kanilang pasiyang magpabautismo.

18 min: Mabisang Ginagamit ang Aklat na Nangangatuwiran. Marami na sa atin ang gumamit ng publikasyong ito sa larangan. Mentras natin ito nakakabisado, lalong higit tayong matutulungan nito. Itanghal ang isang grupo ng pamilya na nag-uusap-usap hinggil sa ilan sa mga turo ng mga Saksi ni Jehova na nakatala sa pahina 199 at 200 (377-8 sa Tagalog). Halimbawa, sa “Ang Bibliya,” bumaling sa pahina 58 at 59 (60 at 61 sa Tagalog). Tingnan ang 2 Timoteo 3:​16, 17 at Apocalipsis 1:1. Magkomento din sa pagtutol na ‘Tao lamang ang sumulat ng Bibliya,’ pahina 65 (67 sa Tagalog). Pagkatapos ay maaaring pag-usapan ang kaibahan ng ating paniniwala may kaugnayan sa layunin ng Diyos para sa lupa, na ginagamit ang mga punto mula sa pahina 112-17 (227-32 sa Tagalog). Kung may panahon, maaari pang isaalang-alang ang ibang turo.

Awit 211 at panalangin.

LINGGO NG NOB. 29–​DIS. 5

Awit 9

10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang pagtangkilik sa pagpapatotoo sa unang Linggo sa Disyembre 6.

20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita​—Na May Mahusay na Paraan ng Pagtuturo.” Tanong-sagot na pagtalakay. Sa pagtalakay sa parapo 3, magmungkahi ng ilang tanong na makakaakit sa mga maybahay na makipag-usap.

15 min: Alok sa Disyembre. Repasuhin ang ilang puntong mapag-uusapan na magagamit sa pag-aalok ng aklat na Kuwento sa Bibliya o brochure na “Narito!” sa Disyembre. Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian noong Mayo, 1987, pahina 4, para sa mga mungkahi.

Awit 162 at panalangin.

LINGGO NG DISYEMBRE 6-12

Awit 192

5 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang pamamahagi ng magasin sa Sabadong ito.

15 min: Pamamahagi ng mga Magasin. Pahayag salig sa Bantayan ng Marso 1, 1987, pahina 17-20. Patingkarin ang impormasyon na nasa kahon sa pahina 18.

10 min: Pagtalakay sa “Tanong” sa pahina 8 ng isang kuwalipikadong matanda. Ilakip ang pagsasaalang-alang ng mga binanggit na reperensiya.

15 min: Pahayag sa “Ang Mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Gayon ba Kasamâ ang Pagsisinungaling?” sa Gumising! ng Oktubre 8, 1987.

Awit 183 at panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share