Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ABRIL 11-17
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang ulat ng kuwenta. Pasiglahin ang lahat na itaguyod ang araw ng magasin sa Sabado, Abril 23. Himukin ang mga maygulang na gawin ang kanilang magagawa upang tulungan ang mga hindi pa nakakabahagi sa paglilingkod sa Abril bago matapos ang buwan.
15 min: “Itampok Ang Bantayan sa Abril.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Pasiglahin ang lahat na magkaroon ng positibong saloobin sa pag-aalok ng suskripsiyon.
20 min: Bagong Paksang Mapag-uusapan. Pagtalakay at pagtatanghal. Repasuhin ang Paksang Mapag-uusapan at ipakita kung papaano ito maiuugnay sa alok na suskripsiyon ng Bantayan. Sa pambungad ay idiin na ang buhay pampamilya sa ngayon ay isinasapanganib sa maraming salik. Bilang resulta, naririyan ang mga wasak na tahanan at maraming kalungkutan. (Tanungin ang maybahay kung ano sa palagay niya ang lunas sa suliraning ito.) Pagkatapos ay sabihin na may pangangailangang bumaling sa Maylikha ng sangkatauhan ukol sa patnubay. Ang Diyos ang nagtatag ng kaayusan ng sambahayan. (Basahin ang Genesis 1:27, 28.) Pagkatapos ay maaari ninyong sabihin: “Ang nasusulat na Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay naglalaman ng patnubay na kung susundin ay makatutulong sa pagkakaroon ng maligayang buhay pampamilya at maglalaan ng saligan para sa mas mabuting kalagayan sa hinaharap. [Basahin ang Isaias 48:17, 18.] Mahalaga para sa mga taimtim na tao na basahin at pakinggan ang nasusulat na Salita ng Diyos.” Pagkatapos ay iharap ang magasing Bantayan, na ipinapakita ang angkop na artikulo tungkol sa buhay pampamilya. Sa Abril at Mayo, ang mga pambungad na artikulo sa Ang Bantayan ay tumatalakay sa iba’t ibang anyo ng buhay pampamilya at nagpapakita kung papaanong naglalaan ang Bibliya ng tunay na patnubay sa mga bagay na ito. Itanghal ng may kakayahang payunir o mamamahayag ang paggamit ng bagong Paksa at ialok ang suskripsiyon ng Bantayan. Pagkatapos ng pagtatanghal, isaalang-alang ang iba pang litaw na punto na maaaring gamitin mula sa mga magasin.
Awit 203 at panalangin.
LINGGO NG ABRIL 18-24
7 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na iulat agad ang gawain sa Abril sa katapusan ng buwan. Himukin ang lahat na magkaroon ng ganap na bahagi sa gawain sa unang Linggo, Mayo 1.
18 min: “Tulungan ang mga Dumadalo sa Pulong.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Itampok ang pangangailangang tulungan ang mga baguhan na maging kuwalipikadong makibahagi sa ministeryo sa larangan.
12 min: Pagtalakay at mga Pakikipanayam. Isasaalang-alang ng matanda kung ano ang magagawa upang higit na matulungan ang mga dumadalo sa mga pulong, taglay ang tunguhing tulungan silang maging mga mamamahayag. Kapanayamin ang dalawa o tatlong mga mamamahayag, na isinasaysay kung ano ang kanilang mga ginawa upang matulungan at mapasigla ang mga ito.
8 min: Pagtalakay sa tagapakinig ng “Tanong” sa pahina 4.
Awit 101 at panalangin.
LINGGO NG ABR. 25–MAYO 1
5 min: Lokal na mga patalastas.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Artikulong May Pantanging Interes sa Ating mga Magasin.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itampok ang mga pagkakataon upang makapaglagay ng mga magasin at ang pangangailangan na maghandang mabuti. Kapag ipinahihintulot ng pagkakataon, hayaang magbigay ng lokal na mga karanasan ang ilang mga mamamahayag hinggil sa paglalagay ng mga magasin.
8 min: Gamiting Mabuti ang Teokratikong Kalendaryo. Pahayag. Pasiglahin ang lahat na gamitin ang kalendaryo ng Samahan. Gumawa ng mga nota para sa eskedyul sa paglilingkod sa larangan at iba pang gawaing teokratiko. (Ecles. 3:1) Ang lingguhang pagbasa ng Bibliya sa kalendaryo ay nagsisilbing isang paalaala na basahin sa araw-araw ang Bibliya. (Awit 1:2) Ang taunang teksto ay idiniriin, at ang mga larawan ay nagpapasigla sa ating pagnanais na makibahagi sa ministeryo sa larangan. Ang mga ito ay nagpapagunita rin hinggil sa ating pambuong daigdig na pagkakapatiran. Gamitin ang kalendaryo upang akayin ang mga estudiyante sa Bibliya tungo sa organisasyon.
15 min: “Ang Kahalagahan ng Pag-awit sa Tunay na Pagsamba.” Pahayag salig sa Disyembre 1, 1987 Bantayan, pahina 25-7. Itampok ang pangangailangan para umawit ang lahat nang may kasiglahan mula sa puso, at upang gamitin ding may pagkakaisa ang songbook sa lokal na wika kapag mayroon nito.
Awit 20 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 2-8
12 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa ika-2 Sabado, Mayo 14. Kapanayamin ang isa o dalawa na nag-auxiliary payunir sa Abril, na hinahayaan silang magpahayag kung papaano sila nakinabang, at gayundin ang ilang mga karanasan na tinamasa nila sa buwang iyon.
18 min: “Gawing Higit na Nakapagtuturo ang mga Pulong.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo ng matanda. Talakayin ang mga kasulatang binanggit sa artikulo. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 5, mag-uusap ang dalawang kapatid na lalake sa loob ng limang minuto na itinatampok ang pangangailangang magbigay ng higit na pansin at linangin ang sining ng mabuting pakikinig. Pansinin ang impormasyon sa Giya sa Paaralan, pahina 25-7, parapo 6-14.
15 min: “Ang Pagsunod ba’y Laging Nararapat?” Pahayag salig sa artikulo ng Bantayan ng Abril 1, 1988.
Awit 2 at panalangin.