Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MAYO 9-15
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Hindi Nabibigo sa Layunin ng Ating Ministeryo sa Larangan.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itampok ang dalawa o tatlong mga pagtatanghal na ginagamit ang impormasyon sa mga pahina 13-15 ng aklat na Nangangatuwiran sa ilalim ng “Mga Huling Araw,” “Kapag Marami ang Nagsasabi: ‘Mayroon na Akong Sariling Relihiyon,’ ” at “Kapag Marami ang Nagsasabi: ‘Ako’y abala.’ ” Humimok ukol sa masiglang pakikibahagi sa alok na suskripsiyon sa buwang ito.
15 min: “Tangkilikin ang mga Kaayusan sa Gitnang Sanlinggong Paglilingkuran.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod na may pakikibahagi ang tagapakinig. Ipatalastas ang mga kaayusan para sa gitnang sanlinggong paglilingkuran at magpasigla ukol sa lubos na pagtataguyod nito.
Awit 126 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Ilakip ang sagot ng Samahan para sa mga ipinadalang abuloy at papurihan ang mga kapatid sa materyal na tulong sa kongregasyon. Magpasigla sa pagtataguyod sa gawain sa magasin sa Sabado, Mayo 28 at itanghal ang isang maikling presentasyon para sa kasalukuyang mga magasin.
20 min: “Tayong Lahat ay Kailangang Mag-aral.” Tanong-sagot. Magtapos sa pamamagitan ng mga kapahayagan (1) mula sa mga kapatid na sinamantala ang panahon upang magkaroon ng isang mabuting eskedyul sa pag-aaral, at (2) hinggil sa mga kapakinabangang natamo sa pagbabasa ng mga lumang publikasyong binanggit sa parapo 5.
15 min: Pahayag sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Maaaring ‘Igalang ang Aking Ama at ang Aking Ina’?” mula sa Gumising!, Abril 22, 1988.
Awit 177 at panalangin
LINGGO NG MAYO 23-29
12 min: Lokal na mga patalastas at pagtalakay sa “Tanong” sa pahina 3. Pasiglahin ang lahat na makibahagi nang lubusan sa pagpapatotoo sa unang Linggo, Hunyo 5.
18 min: Paano Natin Matutulungan ang Ating mga Payunir? Pahayag salig sa mga susing punto sa Setyembre, 1986 insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 12-20, at artikulo sa Setyembre 1, 1982 ng Bantayan (Marso 1, 1982 sa Ingles) na “Inaalalayan ni Jehova ang Kaniyang Hukbo ng Buong-Panahong mga Lingkod.” Ang mga payunir ay nangangailangan at nagpapahalaga sa ating pagtataguyod. Idiin kung ano ang maaaring gawin ng lokal na kongregasyon upang magbigay ng pampatibay-loob at tulong.
15 min: “Tulungan ang Matatanda at ang Masasaktin.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo.
Awit 115 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 30–HUNYO 5
12 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Itanghal ang presentasyon ng mga bagong magasin na maaaring gamitin sa pagpapatotoo sa ikalawang Sabado, Hunyo 11.
18 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Paggamit ng mga Tract sa Bawa’t Pagkakataon.” Tanong-sagot na pagtalakay. Ilakip ang maiikling pagtatanghal sa paggamit ng mga tract sa impormal na pagpapatotoo sa paaralan at sa trabaho.
15 min: Alok na Literatura sa Hunyo. Ang ating alok sa Hunyo ay alinman sa aklat na Kaligayahan—Papaano Masusumpungan o Survival Into a New Earth. Magkaroon ng masiglang pagtalakay sa mga litaw na punto na nasa mga aklat na ito na maaaring gamitin may kaugnayan sa ating Paksang Mapag-uusapan hinggil sa buhay pampamilya. Halimbawa, magbigay ng ilang tampok na bahagi sa Kabanata 8 ng aklat na Kaligayahan sa “Buhay Pampamilya—Kung Papaano Kayo Magtatagumpay.” Marahil ang mga punto mula sa tatlong unang kabanata ng aklat na Survival ay maaari ding gamitin.
Awit 55 at panalangin.