Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HUNYO 6-12
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
18 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Kagalakan.” Tanong-sagot na pagtalakay. May kaugnayan sa parapo 3, itanghal ang pagtulong ng maygulang na kapatid sa isang baguhan upang maghanda ng presentasyon, na ginagamit ang Paksang Mapag-uusapan at aklat na Nangangatuwiran.
17 min: “Maging Masikap Para sa Dalisay na Pagsamba.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Sa pagsasaalang-alang sa mga parapo 3 at 4, itanghal ang paggamit ng kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan kasama ng alok na literatura.
Awit 16 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Ilakip ang kapahayagan ng pagpapahalaga sa pinansiyal na tulong sa kongregasyon. Basahin ang anumang sagot para sa mga ipinadalang abuloy sa Samahan.
20 min: “Turuan ang mga Estudiyante na Gumamit ng Bibliya.” Pagtalakay sa tagapakinig. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 4, magkaroon ng maikling pagtatanghal na tinutulungan ng isang mamamahayag ang estudiyante sa Bibliya na humanap ng mga kasulatan. Bumaling sa listahan ng mga aklat ng Bibliya at ipaliwanag kung papaano hahanapin ang mga yaon. Ipakita sa kaniya kung saan nagpapasimula at nagtatapos ang Hebreo at Griyegong Kasulatan at papaano hinahati-hati ang mga aklat ng Bibliya sa mga kabanata at mga talata. Ipaliwanag din kung papaano gagamitin ang indise ng Bibliyang New World Translation.
15 min: “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong—Mga Pulong Kristiyano—Bakit Dadaluhan Ito?” Pahayag salig sa artikulo sa mga pahina 19-21 ng Hunyo 8, 1988 ng Gumising!
Awit 118 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
20 min: “Tulungan ang mga Anak na Higit na Makinabang sa mga Pulong.” Tanong-sagot na pagkubre sa artikulo. Ilakip ang pakikipanayam sa mga kabataan. Ano ang kanilang natututuhan sa mga pulong o sa kanilang personal na pag-aaral? Ano ang kanilang mga naging karanasan sa larangan? Ipakita ang kahalagahan ng pagdadala sa mga anak sa mga pulong at pag-aaral na kasama nila at gayundin sa pag-akay sa kanila sa larangan.
15 min: “Ang Aklatan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.” Tatalakayin ng tagapangasiwa sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ang artikulo sa tagapakinig, na ikinakapit ang impormasyon sa kalagayan ng lokal na kongregasyon.
Awit 183 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 27–HULYO 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Isaalang-alang ang mga litaw na punto sa mga pinakabagong magasin. Magharap ng inihandang mabuting mga pagtatanghal sa 30-hanggang 60- segundo, ang isa ay nagtatampok sa Ang Bantayan at ang isa’y sa Gumising! Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa pagpapatotoo sa magasin sa Hulyo 4 at 9.
17 min: Ialok sa Hulyo ang brochure na Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso. Ang isang masikap na konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay makikipag-usap sa tagapakinig hinggil sa alok, magbibigay ng mungkahi hinggil sa mga praktikal na punto para sa lokal na teritoryo, at gagamit ng limang minuto para itanghal kung papaano iuugnay ito sa paghaharap ng Paksang Mapag-uusapan. Maaari niyang imungkahi na pagkatapos na basahin ang Isaias 48:17, 18 kayo ay maaaring bumaling sa pahina 29 ng brochure na Pamahalaan na idiniriin ang kapayapaan na matatamo ng masunuring sangkatauhan at pagkatapos ay basahin ang sinasabi sa itaas ng pahina 30 bago ialok ang brochure sa maybahay.
18 min: Lokal na pangangailangan o pahayag sa “Isang Aral sa Pagpapatawad,” sa mga pahina 8 at 9 ng Marso 1, 1988 na Bantayan.
Awit 31 at pansarang panalangin.