Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG AGOSTO 8-14
13 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin din ang ulat ng Abril sa pahina 1.
20 min: “Pagsasalita ng Salita ng Diyos Nang may Katapangan.” Tanong-sagot.
12 min: “Gawing Mabisa ang Paggamit ng mga Artikulong may Pantanging Layunin.” Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig.
Awit 43 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
20 min: “Tulungan ang mga Baguhang Magkomento sa mga Pulong.” Tanong-sagot. Ilakip ang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung papaano ikakapit ang sinasabi ng parapo 3 sa pagtatapos ng isang pag-aaral sa Bibliya.
15 min: “Pagpapalawak ng Sangay sa Pilipinas.” Tanong-sagot na pagtalakay sa pantanging insert ng punong tagapangasiwa. Magpasigla para sa proyektong ito at ipakita sa mga kapatid kung papaano sila magkakaroon ng bahagi rito. Ipaliwanag ang mga kaayusan sa pagbibigay ng regular na kontribusyon gaya ng binalangkas sa insert.
Awit 18 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa pagpapatotoo sa unang Linggo sa Setyembre 4.
20 min: “Taglay ba Ninyo ang Espiritu ng Pagpapayunir?” Tanong-sagot.
15 min: Pahayag sa “Bakit Dapat Magpasalamat?” salig sa unang dalawang artikulo sa Hulyo 1, 1988 Bantayan, mga pahina 3-6.
Awit 152 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOS. 29–SET. 4
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: Alok na literatura para sa Setyembre. Talakayin ang mga litaw na punto sa aklat na Creation na maaaring gamitin. Para doon sa mga naniniwala sa paglalang, maaari tayong bumaling sa pahina 188 at talakayin kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa. O baka nanaisin ninyong bumaling sa pahina 191, basahin ang parapo 8, at ihambing ang mga ilustrasyon kina Adan at Eba sa mga pahina 189 at 191. May mainam na materyal na makikita rin sa Kabanata 19 tungkol sa makalupang paraiso. Itanghal ang presentasyon.
15 min: Pahayag sa “Pagtugon sa Pangangailangan ng Ating Matatanda Na—Isang Hamon sa mga Kristiyano,” mula sa Bantayan ng Hulyo 15, 1988, pahina 21.
Awit 216 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas.
18 min: Pagtataguyod sa Katotohanan ng Ulat ng Paglalang. Pahayag at pagtatanghal salig sa Marso 8, 1983 Awake! mga pahina 12-15, at aklat na Nangangatuwiran, pahina 294 (88 sa Ingles). Magkaroon ng pagtatanghal na nagpapakita kung papaano sasagutin ng mamamahayag ang pangangatuwiran ng maybahay na ang paglalang ay naganap sa anim na literal na mga araw.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Paggamit ng Bibliya.” Tanong-sagot.
Awit 121 at pansarang panalangin.