Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG SETYEMBRE 12-18
12 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa susunod na Sabado.
20 min: “Ipangaral ang Kalayaan sa mga Bihag.” Tanong-sagot na pagtalakay. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 6, itanghal sa maikli ang isang mamamahayag na estudiyante na (a) nag-aalok ng aklat na Creation sa isang guro at (b) nag-aalok nito sa isang kamag-aral. Itampok ang mga ilustrasyon kapag nag-aalok.
13 min: “1989 Kalendaryo.” Masiglang pahayag. Ipaliwanag kung papaano pipidido ng mga kalendaryo gaya ng inilagay sa Mga Patalastas.
Awit 204 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta at tugon sa mga donasyon. Pasiglahin ang lahat ng makibahagi sa pagpapatotoo sa unang Linggo, Oktubre 2.
20 min: “Magtakda ng mga Tunguhin Upang Mapanatiling Malakas ang Inyong Pananampalataya.” Tanong-sagot na pagtalakay. Tanungin ang mga kabataan, mga magulang, mga lingkod, o mga payunir kung papaano sila naglagay ng personal na tunguhin sa sarili at anong mga pakinabang ang kanilang natamo bilang resulta.
15 min: Maging Isang Mabuting Tagapakinig! Nakapagpapasiglang pahayag. Ang pakikinig ay gumaganap ng isang mahalagang bahagi sa ikatututo. (Kaw. 1:5) Ang ating pagsulong bilang mga ministro sa kalakhang bahagi ay depende sa kung papaano tayo nakikinig sa mga pulong, sa mga asamblea, at sa mga matatanda. (Kaw. 18:15) Ang isang mabuting tagapakinig ay hindi lamang nakikinig sa pamamagitan ng kaniyang tainga kundi nagbibigay-pansin sa pamamagitan ng kaniyang isip at puso. Siya ay pinakikilos ng kaniyang puso upang maunawaan ang bagay at gawin ang nauukol dito. Siya’y pinakikilos ng kaniyang naririnig. (Mat. 13:23) Ang interes ay isang napakahalagang salik sa mabuting pakikinig. Ang ating interes sa katotohanan ay dapat na tumulong sa atin na mapasulong ang ating ugali sa pakikinig sa mga pulong at mga asamblea. Ano ang maaari nating gawin upang mapasulong ang ating ugali sa pakikinig? Tingnan ang Aralin 5 ng Giya sa Paaralan para sa karagdagang mga mungkahi. Pasiglahin ang lahat na alalahanin ang payo ni Jesus: “Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig.”—Luc. 8:18.
Awit 40 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SET. 26—OKT. 2
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa susunod na Sabado. Itanghal ang mga angkop na presentasyon.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Mabisang Paggamit ng mga Magasin.” Pagtalakay sa artikulo sa tagapakinig. Ang dalawang naghandang-mabuting mamamahayag ay magtatanghal ng 30- hanggang 60-segundong mga presentasyon, ang isa’y nagtatampok sa pinakabagong Gumising! at ang isa’y nagtatampok sa pinakabagong Bantayan.
15 min: “Noong Dati ba’y Kasama Ka sa Organisasyon ni Jehova?” Nagsusumamong pahayag ng isang matanda na nagpapaliwanag sa pagkabahala ng kongregasyon sa mga taong di aktibo at kung ano ang magagawa upang tulungan sila. Salig sa Bantayan, Enero 15, 1988, pahina 21-3.
Awit 123 at pansarang panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas. Kapanayamin ang mga kabataan na nag-auxiliary payunir sa nakaraang mga buwan. Papaano sila nakinabang, at ano ang natamo nilang kagalakan? Ilahad sa maikli ang mga kapanapanabik na mga karanasan na tinamo nila sa paglilingkod sa larangan samantalang nagpapayunir.
20 min: “Pampamilyang Pag-aaral ng Bibliya—Dapat Unahin ng mga Kristiyano.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo.
15 min: Kapanayamin ang iba’t ibang kabataan sa kongregasyon. Anong lokal na mga suliranin ang napapaharap sa mga kabataang Saksi sa paaralan? Ano ang maaari nilang gawin para makipagtulungan sa kanilang mga magulang upang maging isang tagumpay ang pampamilyang pag-aaral? Ano ang maaari nating gawin upang tulungan sila? Tunguhin ba nila ang buong-panahong paglilingkuran?
Awit 157 at pansarang panalangin.