Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG NOBYEMBRE 7-13
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magpasigla sa pakikibahagi sa gawain sa magasin sa ikalawang Sabado ng buwan. Magmungkahi ng angkop na mga litaw na punto.
18 min: “Hanapin Muna ang Kaharian.” Tanong-sagot. Itanghal ng isang may karanasang mamamahayag ang presentasyon sa parapo 4.
17 min: Mga Kabataan—Huwag Padaya. Pahayag at pakikipanayam. Ang mga kabataan ay pantanging puntirya ni Satanas. Pinipili niya ang walang gaanong karanasan, na dinadaya sila gaya ni Eba. (Gen. 3:1) Nagtataguyod ng ideya na may nawawala sa mga kabataang nasa katotohanan. (Gen. 3:4, 5) Pinalilitaw na wala namang masama sa mga bagay na nasa sanlibutan, gaya ng bunga sa puno para kay Eba. (Gen. 3:6) Si Jehova ay gumagawa ng paglalaan upang ipagsanggalang ang mga kabataan para hindi madaya: Ang aklat na Kabataan, School brochure, Gumising! na nagtatampok sa “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong,” mga pulong, mga asamblea, mga magulang, at mga matatanda. Bakit ang buong buhay ng paglilingkod kay Jehova ang pinakamabuting paraan ng pamumuhay? (Kaw. 27:11; Ecles. 12:1) Kapanayamin ang isa o dalawang huwarang kabataan na nilinang ang mga kanaisnais na bagay. Alamin kung ano ang nakatulong sa kanila upang labanan ang mga panggigipit sa paaralan. Itampok ang pangangailangan para matulungan ang mga kabataan upang makapanatiling tapat at hindi madaya ng sanlibutan.
Awit 164 at pansarang panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas, Teokratikong mga Balita, at ulat ng kuwenta.
20 min: “Magdaos ng Sumusulong na mga Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, itanghal ng may karanasang payunir o mamamahayag kung papaano ihihinto ang isang pag-aaral sa Bibliya. Pasiglahing mabuti ang lahat na nagdaraos ng mga pag-aaral na suriin ang bawa’t isa sa mga ito sa liwanag ng materyal na ito.
15 min: Pagpapatibay sa mga Pamilya. Pangangasiwaan ng kuwalipikadong matanda ang pakikipanayam sa tatlo o apat na mga magulang. Anong kakaibang mga problema ang napapaharap sa kanila? Papaano sila natututong pagtagumpayan ang kanilang mga problema? Sa papaanong paraan umaalalay ang kongregasyon? Anong personal o pampamilyang tunguhin ang inilagay at papaano ito nakatulong sa pamilya? Maging positibo at masiglang papurihan sila dahilan sa kanilang bahagi para sa espirituwalidad ng kongregasyon.
Awit 161 at pansarang panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 21-27
5 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa ikaapat na Sabado ng buwan.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—May Katapangan, Subali’t Mataktika.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itanghal ang isa sa mga halimbawang binanggit sa parapo 3, na ginagamit ang aklat na Nangangatuwiran.
8 min: “Mga Suskripsiyon.” Ipabasa sa kuwalipikadong kapatid na lalake ang lahat ng parapo at magbigay ng angkop na komento.
12 min: Lokal na mga pangangailangan. Repasuhin ang mga mungkahi para sa pagpapasulong gaya ng makikita sa ulat ng tagapangasiwa ng sirkito.
Awit 2 at pansarang panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 28–DISYEMBRE 4
15 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang mga pambungad sa aklat na Nangangatuwiran na maaaring gamitin sa Paksang Mapag-uusapan at magiging angkop para sa bagong alok sa Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya o ang brochure na “Narito!”
15 min: “Tulungan ang Iba na Maglingkod kay Jehova Nang Buong Kaluluwa.” Pagtalakay sa pamamagitan ng punong tagapangasiwa. Itatanghal ng isang payunir kung papaano magkakaroon ng puso-sa-pusong pakikipag-usap sa isa na nag-aatubiling magpabautismo.
15 min: “Tulungan ang Iba na Isaalang-alang ang Katarungan.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pagkatapos pag-usapan ang parapo 5, itanghal ang mga pamamaraan ng impormal na pangangaral habang dumadalo sa mga kombensiyon. Ilakip ang maikling mga karanasan mula sa tagapakinig.
Awit 78 at pansarang panalangin.