Tulungan ang Iba na Maglingkod kay Jehova Nang Buong Kaluluwa
1 Wastong hilingin ni Jehova na ang bawa’t isa sa atin ay maglingkod sa kaniya nang buong kaluluwa. (Mar. 12:30; Col. 3:23) Tayo bilang indibiduwal ay nagnanais na gawin ang pinakamabuti sa paglilingkod sa kaniya.—Mat. 13:23.
PAPAANO MAKATUTULONG
2 May mga taong regular na dumadalo sa lahat ng pulong ng kongregasyon. Ang iba ay kuwalipikado na upang magsimulang makibahagi sa paglilingkod sa larangan. Gayunman, hindi lahat ay may pasiyang gumawa ng pag-aalay at magpabautismo. Maaari ba natin silang tulungan sa bagay na ito? Ginawa na ba natin ang taus-pusong pakikipag-usap sa kanila nang personal? Marahil ang isang tuwiran, mabait na pagrerepaso sa artikulong “Ano ang Nakahahadlang sa Akin Upang Ako ay Mabautismuhan?” sa mga pahina 21-26, ng Agosto 15, 1982 ng Bantayan ay makatutulong.
3 Ang ilan ay maaaring regular na mga mamamahayag na nag-auxiliary payunir sa pana-panahon. Maaari ba silang gumawa ng kinakailangang pagbabago upang maging mga regular payunir? Kung minsan, ang mga salita ng pagpapayo mula sa magulang, matanda, o mula sa payunir ay makapagpapasigla sa kanila na maglingkod nang lubusan alinsunod sa ipinahihintulot ng kanilang kakayahan at kalagayan.—2 Tim. 4:2.
MAGBIGAY NG PAMPATIBAY-LOOB
4 Ang iba ay nagiging kuwalipikado para atasan bilang ministeryal na lingkod o matatanda. (1 Tim. 3:1) Sa pamamagitan ng pagkuha sa praktikal na tulong mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, may mga naging mabibisang tagapagsalita sa madla. May naiisip ba kayong pribilehiyo na doo’y maaaring maging kuwalipikado ang iba sa inyong pamilya o kongregasyon kung sila’y tatanggap ng tulong?
5 Dapat nating ialay kay Jehova ang pinakamabuting paglilingkod na maibibigay natin. (Apoc. 4:11) Nais nating gawin ang kaniyang kalooban nang buong kaluluwa at tulungan din ang iba na gawin ang gayon. (Efe. 6:6) Ang mga tutugon sa tulong at pampasigla tungo sa paglilingkod kay Jehova nang buong kaluluwa ay makatitiyak na pagkakalooban ni Jehova ng “gantimpala.”—Col. 3:24.