Mga Patalastas
● Ang alok na literatura sa Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱42.00 o ang brochure na “Narito!” sa ₱4.20. Enero at Pebrero: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00, o maaaring mag-alok ng alinman sa mga matatandang publikasyon. (Ang mga may edisyong newsprint ay maaaring mag-alok nito sa ₱2.50.) Marso: Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan o alinman sa 192-pahinang aklat sa ₱14.00. (Ang edisyong newsprint ay maaaring ialok sa ₱2.50.)
● Ang bawa’t isyu ng Gumising! sa 1989 ay maglalaman ng sunod-sunod na bahagi ng isang serye na pinamagatang “Ang Kinabukasan ng Relihiyon sa Liwanag ng Kahapon Nito.” Ang mga artikulong ito ay magsusuri sa kinabukasan ng relihiyon sa pamamagitan ng pagtingin sa nakaraang kasaysayan ng relihiyon at sa pagkakapit ng simulain ng sanhi at epekto. Ang mga mamamahayag ay pinasisiglang maghandang mabuti ng presentasyon at itampok ang impormasyong ito hangga’t naaangkop. Sa ganitong paraan, ang mga tao na nababahala sa panghihina ng relihiyon sa ngayon ay maaaring matulungang matuto ng pag-asa sa Kaharian.
● Ang isa sa mga drama na itatanghal sa “Banal na Katarungan” na Pandistritong Kombensiyon ay salig sa Ezekiel 9:1-11 at Bilang 35:1-34. Ang isa pa ay salig sa Genesis 6:1–7:24; 18:20–19:26. Dapat basahin ng bawa’t isa ang materyal upang lubusang makinabang sa itatanghal na mga drama.
● Para doon sa walang kombensiyon, ang Disyembre 25 at 30 at Enero 1 ay maaaring gamitin para sa pantanging gawain sa magasin, yamang ang mga ito ay pista opisyal.
● Ang 1989 taunang teksto ay halaw sa Apocalipsis 14:7: “Matakot kayo sa Diyos at magbigay kaluwalhatian sa kaniya.” Dapat isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 1989.