Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
PANSININ: Tayo’y mayroong eskedyul ng pulong ukol sa paglilingkod sa bawa’t linggo dito sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Maaaring gumawa ng pagbabago ang mga kongregasyon kung kinakailangan upang ilaan sa pagdalo sa pandistritong kombensiyon at para sa 30-minutong pagrerepaso ng mga tampok na bahagi sa Pulong Ukol sa Paglilingkod sa susunod na linggo. Ang pagrerepaso sa bawa’t araw ay maaaring iatas nang patiuna sa dalawa o tatlong kuwalipikadong mga kapatid na lalaki.
LINGGO NG DISYEMBRE 5-11
10 min: Piniling mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Himukin ang mga ulo ng pamilya na gumawang kasama ng kanilang asawa at mga anak.
20 min: “Tulungan ang mga Anak sa Pagpuri kay Jehova.” Tanong-sagot. Itanghal kung papaano tutulungan ng magulang ang bata na maghanda ng kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan at iugnay iyon sa alok na aklat na mga Kuwento sa Bibliya.
15 min: “Pagpapatotoo Bilang Isang Pamilya sa Disyembre.” Tanong-sagot. Talakayin ng isang huwarang pamilya ang maaaring gawing pagpapasulong ng paglilingkod bilang isang pamilya sa Disyembre at kung papaano sila gagawa ng isang eskedyul para sa kanilang paglilingkuran. Magtapos taglay ang pampasigla sa lahat na kuwalipikadong makibahagi sa paglilingkod sa larangan.
Awit 126 at pansarang panalangin.
LINGGO NG DISYEMBRE 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Patalastasan ang kongregasyon sa naging sagot ng Samahan hinggil sa abuloy. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa larangan at ipagunita sa lahat na tiyaking mag-ulat ng kanilang paglilingkod sa larangan sa Disyembre.
20 min: Papaanong ang Pagdalo sa mga Kombensiyon sa Maraming Taon ay Nagpalakas sa Aking Pananampalataya. Kapanayamin ang ilan sa higit na makaranasan at mapagpahalagang mga mamamahayag, na inaalam mula sa kanila ang mga karanasan sa pagdalo sa mga kombensiyon at ang tinamong mga kapakinabangan. Maaari ding tingnan ang Watch Tower Publications Index para sa angkop na nakapagpapatibay na mga karanasan.
15 min: “Pakikinabang Mula sa Pagsunod sa Banal na Tagubilin.” Pagtalakay ng pamilya na nagtatampok sa positibong pagtugon sa programa sa araw ng unang pantanging asamblea at ang pag-aasam-asam sa bagong programa. Ipagunita sa mga kapatid ang susunod na araw ng pantanging asamblea para sa lokal na kongregasyon kung ito ay naipatalastas na.
Awit 92 at pansarang panalangin.
LINGGO NG DISYEMBRE 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Ipagunita sa lahat na maghanda para sa pagpapatotoo sa pamamagitan ng magasin. Piliin ang mga artikulo na doo’y interesado ang tao sa lokal na teritoryo, at gamitin sa pagtatanghal ang mga mamamahayag na maaaring magpakita ng taktika at pagiging positibo.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa mga Bata.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pagkatapos ng parapo 5, gumawa ng pagtatanghal ang isang may kakayahang mamamahayag na ginagamit ang kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan sa pakikipag-usap sa isang kabataan. Papaano maaaring ialok ang literatura? Papaano tatapusin ang pakikipag-usap nang hindi nag-aalok ng literatura?
15 min: Ang mga Kabataan ay Pumupuri kay Jehova. Kapanayamin ang isa o dalawang may gulang na mamamahayag na nagpasimulang maglingkod kay Jehova sa panahong sila’y tin-edyer o bago pa nito. Papaanong ang pagiging naaalay at bautisadong kabataan ay nakatulong sa kanila sa pagharap sa mga suliranin habang lumalaki? Gayundin, kapanayamin ang isa o dalawang huwarang kabataang mamamahayag na nakapagbigay ng mainam na patotoo sa paaralan o mabisa sa ministeryo sa bahay-bahay. Bakit sila mabisa? Anong papel ang ginampanan ng mga magulang at iba pang may gulang sa kongregasyon hinggil sa kanilang pagsulong? Ang mga Kristiyanong magulang ay magnanais na pasiglahin ang kanilang mga anak na gumawang pasulong tungo sa pag-aalay at bautismo.
Awit 15 at pansarang panalangin.
LINGGO NG DIS. 26–ENE. 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Itanghal ang presentasyon ng magasin na inihanda taglay sa kaisipan ang hinggil sa pista opisyal.
20 min: Pagsasanay sa Ating Dila na Tumulong sa Nasisiraan-ng-loob. Maraming bagay ang nakasisira-ng-loob sa mga tao sa ngayon: suliranin sa pamumuhay, pagkamatay ng mahal sa buhay, karamdaman, espirituwal na suliranin, at iba pa. Ang pagbibigay-daan sa pagkasira-ng-loob ay naglalantad sa atin sa mga pagsalakay ni Satanas. (Kaw. 24:10; ihambing ang Lucas 22:31.) Ang mga Kristiyano ay nasa ilalim ng obligasyon na pasiglahin at alalayan ang isa’t isa. (1 Tes. 5:14; Gal. 6:2) Papaano? Sa pamamagitan ng pagiging maawain. (Roma 12:15) Sa pamamagitan ng pagiging handang tumugon sa praktikal na paraan. (Sant. 2:14-17; rs pp. 117-21) Ginagamit ang aklat na Nangangatuwiran, papagkomentohin ang tagapakinig hinggil sa mga kasulatan na maaaring gamitin sa pagtulong sa mga tao sa kongregasyon at sa larangan na harapin ang mga espesipikong suliranin na binalangkas. Maging malapit kay Jehova, hilingin ang tulong ng mga matatanda, magmatiyaga sa pananalangin, upang matagumpay na malabanan ang pagkasira-ng-loob.—Sant. 4:8; Isa. 32:1, 2; Efe. 6:17, 18.
15 min: “Ingatan ang Isang Positibong Saloobin.” Pahayag salig sa artikulo ng Hunyo 1, 1986, Bantayan, pahina 28-30. Gumawa ng aplikasyon sa lokal na kalagayan, tulad sa kawalang interes ng mga tao at madalas gawing teritoryo.
Awit 54 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ENERO 2-8
15 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa larangan. Repasuhin ang alok na literatura para sa Enero at magkaroon ng maikling pagtatanghal. Itampok ang mga espesipikong punto mula sa itinatampok na publikasyon.
30 min: Pagrerepaso ng Programa sa Pandistritong Kombensiyon. (Tingnan ang PANSININ sa itaas ng pahina kung papaano ito ihahanda at gagampanan.)
Awit 12 at pansarang panalangin.