Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/89 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 2/89 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura para sa Pebrero: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00, o alinman sa matatandang 192-pahinang aklat sa newsprint sa ₱2.50. Marso: Aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan o alinmang ibang 192-pahinang aklat sa ₱14.00. (Ang mga edisyong newsprint ay maaaring patuloy na ialok sa ₱2.50.) Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon ng Ang Bantayan sa ₱60.00.

● Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Marso 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.

● Sa Linggo, Pebrero 19, magkakaroon ng isang pulong ang lahat ng mga nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Marso, Abril at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Ito ay idadaos bago o pagkatapos ng lingguhang pag-aaral ng Bantayan. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong na ito at titiyaking may sapat na aplikasyon para sa auxiliary payunir.

● Ang pantanging pahayag pangmadla sa taóng ito ay ipapahayag sa buong daigdig sa Linggo, Abril 2, 1989 sa paksang, “Halina, Kayong Nauuhaw sa Katotohanan!” Isang balangkas ang ipadadala sa bawa’t kongregasyon karakaraka kapag ito’y handa na. Ang mga kongregasyong dinadalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa petsang iyon o mayroon pansirkitong asamblea o pantanging asamblea ay dapat na idaos ang kanilang pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon ang dapat na magdaos ng pantanging pahayag bago ang Abril 2.

● Ang mga kongregasyong may mga pulong sa Miyerkules, Marso 22 ay dapat magsaayos na idaos ang mga ito sa ibang araw sa linggo ng Memoryal.

● Mga Bagong Publikasyong Makukuha:

Insight on the Scriptures (set ng dalawang tomo; kongregasyon at publiko: ₱200.00; payunir: ₱170.00)—Ingles

Revelation—Its Grand Climax at Hand! (kongregasyon at publiko: ₱42.00; payunir:₱28.00)—Cebuano, Iloko, Ingles, Tagalog

● Ang mga kongregasyong Cebuano, Iloko at Tagalog ay magpapasimulang mag-aral ng bagong aklat na Revelation sa mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa linggo ng Marso 20-26, 1989. Ang mga kongregasyong Hiligaynon ay magpapasimula rin sa gayon ding petsa, subali’t ang materyal ay isiserye sa kanilang lokal na Gumising! pasimula sa isyu ng Pebrero 8, 1989. Ang mga kongregasyong Bicol, Pangasinan at Samar-Leyte ay magpapasimulang mag-aral sa aklat na ito sa linggo ng Abril 24-30, 1989 at ang materyal ay isiserye sa kanilang lokal na isyu ng Bantayan pasimula sa Marso 1, 1989. Pakisuyong pumidido kaagad ng kinakailangang suplay upang mayroon kayong magamit kapag nagpasimula na ang mga ito sa pag-aaral.

● Ipinabatid sa amin ng tanggapang pansangay ng Taiwan na mayroong ilang Pilipinong kapatid na lalake at babae na nagtatrabaho sa Taiwan nang walang pahintulot, na nagtungo roon bilang mga turista at tumanggap ng trabaho at nanatili roon nang lampas pa sa ipinahihintulot sa kanila. Dahilan dito, sila’y naging gaya ng mga bilanggo sa bahay ng kanilang pinapasukan at ang kanilang mga pasaporte ay kadalasang kinukumpiska. Nais naming babalaan ang lahat ng mga kapatid na iwasan ang gayong labag sa batas na mga kaayusan, na nagsasapanganib sa espirituwalidad ng isa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share