Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG PEBRERO 6-12
12 min: Lokal na mga patalastas, Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian, at “Pumidido ng Magasin para sa Pantanging Kampanya.” Ibigay ang mga pangalan ng matatandang publikasyon sa inyong stock at pasiglahin ang lahat na ilagay ang mga iyon sa buwang ito. Isaalang-alang sa maikli ang mga pambungad na maaaring gamitin taglay ang kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan. (Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, sub-titulong “Kaharian,” pahina 11 [pahina 12-13 sa Ingles].)
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Matatandang mga Publikasyon.” Pahayag. Itanghal sa maikli kung papaano gagawin ang pag-aalok, pagkatapos ng pagtalakay sa Paksang Mapag-uusapan.
18 min: “Luwalhatiin ang Diyos Bilang Isang Payunir Ngayong Tag-araw.” Tanong-sagot. Kapanayamin ang ilang regular payunir, tanungin kung papaano sila makatutulong upang mapasigla ang iba na mag-auxiliary payunir ngayong tag-araw. Kapanayamin din ang ilang nag-auxiliary payunir noon at na nagpaplanong muling gawin iyon sa taóng ito.
Awit 144 at pansarang panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang ulat ng kuwenta. Banggitin ang anumang abuloy na ipinadala ng kongregasyon sa Samahan para sa gawaing pang-Kaharian o para sa Konstruksiyon sa Sangay gaya ng makikita sa statement.
20 min: “Lubusang Makinabang Mula sa Pulong Ukol sa Paglilingkod.” Pagkubre sa pamamagitan ng tanong-sagot. Sa maikli kumuha ng mga kapahayagan mula sa tagapakinig kung papaano sila personal na nakinabang mula sa Pulong Ukol sa Paglilingkod.
15 min: “Umaakay sa Pagkakaisa ang mga Pantanging Bahagi ng Kombensiyon.” Pahayag. Palawakin ang pagtalakay sa pamamagitan ng mga komento ng tagapakinig hinggil sa apat na mga pantanging bahagi sa kombensiyon na tinalakay sa artikulo.
Awit 78 at pansarang panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa unang Linggo ng Marso.
18 min: “Mga Kabataan—Linangin ang Isang Matibay na Kaugnayan kay Jehova.” Tanong-sagot. Manawagan sa lokal na mga kabataan, na pinasisigla silang magpatuloy sa espirituwal na pagsulong.
17 min: “Paano Natin Gagantihin si Jehova?” May init, nakapagtuturong pahayag sa artikulo ng Disyembre 1, 1988 ng Bantayan, pahina 25-8. Isama ang pampatibay-loob sa lahat na tangkilikin ang proyekto ng Konstruksiyon sa Sangay.
Awit 225 at pansarang panalangin.
LINGGO NG PEB.27–MAR. 5
12 min: Lokal na mga patalastas. Pagtalakay sa “Tanong.” Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkuran sa ikalawang Sabado ng buwan. Imungkahi ang isa o dalawang artikulo sa magasin na maaaring angkop sa lokal na teritoryo.
13 min: Mga Paghahanda para sa Memoryal. Pahayag ng punong tagapangasiwa. Ipatalastas ang oras ng Memoryal at balangkasin ang mga lokal na kaayusan. (Pansinin ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Marso, 1988, pahina 3, “Mga Bagay na Ihahanda.”) Banggitin ang dumalo sa buong daigdig at sa lokal nang nakaraang taon at ipaalaala sa lahat na puntahan ang mga taong interesado na hindi pa naaanyayahan.
20 min: Mga tampok na bahagi sa 1989 Yearbook. Inihandang mabuting pahayag sa pambungad na materyal ng 1989 Yearbook. Itampok ang mga namumukod-tanging mga resulta mula sa nagkakaisang pagpapahayag ng “Halika!” sa mga tao saanman. Habang ipinahihintulot ng panahon, banggitin ang ilang mga karanasan at ipakita kung papaano ito nagpapasigla sa mga kapatid sa lokal. Kung wala pang Yearbook, ang bahaging ito ay dapat na ihanda sa lokal na paraan.
Awit 18 at pansarang panalangin.