Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG AGOSTO 7-13
12 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang mga nag-iisip na mag-regular payunir pasimula sa Setyembre na punan ang aplikasyon at ibigay iyon karakaraka sa mga matatanda. Itampok ang mga susing punto sa “Maghanda para sa Nasusulat na Repaso.”
18 min: “Paglilingkod na May Sakdal na Puso.” Pahayag at pagtalakay sa artikulo sa pamamagitan ng mga tanong. Ilakip ang pagtatanghal sa pag-aalok ng brochure na Pamahalaan kapag tinatalakay ang parapo 4.
15 min: Talakayin sa tagapakinig ang mga tanong sa artikulong “Natatandaan Mo Ba?” sa Abril 15, 1989 Bantayan.
Awit 128 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Tugunin ang mga donasyon na ipinadala ng kongregasyon at ipahayag ang pagpapahalaga doon.
20 min: “Samantalahin ang Bawa’t Pagkakataong Makapagpatotoo—Bahagi 2.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Sa pagkubre sa parapo 4, isama ang lokal na mga karanasan at isang maikling pagtatanghal sa impormal na pagpapatotoo.
15 min: Pahayag salig sa “Pagsasarili,” mga pahina 303-6 [187-91 sa Ingles] ng aklat na Nangangatuwiran. Itampok ang ating pagkaumaasa kay Jehova at kapahamakang idudulot ng pagsunod sa malasariling landasin.
Awit 63 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 21-27
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito, at gayundin sa pagpapatotoo sa unang Linggo ng Setyembre.
20 min: “Ang mga Pulong ay Nakatutulong sa Ating mga Anak.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Gamitin ang ilang minuto sa katapusang bahagi upang kapanayamin ang mga huwarang magulang at mga anak na nagkapit sa mga mungkahi sa artikulo. Hayaang ipakita ng mga magulang kung papaano sila nagpasimula sa pagtulong sa mga anak para maghanda sa mga pulong, kung ano ang kanilang ginagawa sa kasalukuyan upang tulungan sila, at ang mga personal na kapakinabangan na kanilang nararanasan bilang resulta.
15 min: Lokal na mga pangangailangan, o pahayag sa “Pagpapahalaga sa Ating mga Kapatid,” salig sa artikulo sa Oktubre 1, 1988 isyu ng Ang Bantayan.
Awit 65 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOS. 28–SET. 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Pag-usapan ang mga litaw na punto mula sa kasalukuyang mga magasin at itanghal iyon ng may kakayahang mga mamamahayag.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Aklat na Creation.” Tanong-sagot. Ilakip ang maikling pagtatanghal kung papaano iaalok ang aklat na Creation sa isang kabataan. Gayundin, itanghal sa maikli ang mga susing punto mula sa parapo 4-6.
15 min: “Ginagamit Mo ba ang Iyong Tinataglay?” Pahayag ng isang matanda na may pakikibahagi ang tagapakinig sa mga parapo 1-7 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
Awit 40 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 4-10
8 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang mga kaayusan sa paglilingkod.
15 min: “Ginagamit Mo ba ang Iyong Tinataglay?” Tanong-sagot na pagkubre sa mga parapo 8-14 sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
12 min: Pagsisimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pamamagitan ng mga Brochure. Pagtalakay. Hindi sapat ang makapaglagay lamang ng mga brochure. Kailangang magdaos ng mga pag-aaral sa Bibliya upang gumawa ng mga alagad. Itanghal ang pagsisimula ng mga pag-aaral sa pamamagitan ng brochure na Pamahalaan. Kapanayamin ang mga mamamahayag o mga payunir na naging matagumpay sa pagsisimula ng mga pag-aaral sa pamamagitan ng mga brochure. O maglahad ng mga karanasan sa 1986 Yearbook, mga pahina 11-13 at 1987 Yearbook, pahina 48.
10 min: Pagkatuto Mula sa mga Larawan sa Ating Kalendaryo. Pahayag. Gamitin ang Hulyo 1, 1989 artikulo ng Bantayan “Sa Aba Mo Chorazin!—Bakit?” kasama ng kalendaryo ng 1989 upang ipakita ang kapakinabangan sa paggamit ng angkop na larawan sa kalendaryo kapag nagbabasa ng artikulo. Ipagunita sa mga kapatid ang angkop na mga artikulo sa Enero 1, Marso 1, at Mayo 1, 1989 isyu ng Ang Bantayan. Malapit na nating pididuhin ang kalendaryo para sa 1990, na magtatampok sa karagdagan pang mga larawang nakapagtuturo mula sa lupain ng Bibliya.
Awit 32 at pansarang panalangin.