Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/89 p. 2
  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Subtitulo
  • LINGGO NG NOBYEMBRE 6-12
  • LINGGO NG NOBYEMBRE 13-19
  • LINGGO NG NOBYEMBRE 20-26
  • LINGGO NG NOB. 27–DIS. 3
  • LINGGO NG DISYEMBRE 4-10
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 11/89 p. 2

Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

LINGGO NG NOBYEMBRE 6-12

Awit 1

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipagunita sa kapatid na nangangasiwa sa literatura na pumidido na ngayon ng mga publikasyon para sa kampanya ng mga matatandang aklat sa Enero at Pebrero.

20 min: “Pasiglahin ang Iba na Magbasa at Mag-aral ng Salita ng Diyos.” Gagampanan ng matanda ang bahaging ito sa pamamagitan ng tanong-sagot. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 6, magsaayos ng pagtatanghal na ginagamit ang isa sa mga iminungkahing pambungad at ang Paksang Mapag-uusapan.

15 min: “‘Jehovah Keeps Making It Grow.’” Masiglang pahayag ng Construction Coordinator sa pantanging insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa Oktubre hinggil sa progreso ng konstruksiyon sa Bethel. Idiin ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta sa mainam na paraan sa proyekto sa pamamagitan ng pagboboluntaryo at regular na pag-aabuloy.

Awit 5 at pansarang panalangin.

LINGGO NG NOBYEMBRE 13-19

Awit 9

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipabatid sa kongregasyon ang hinggil sa anumang kontribusyon na tinugon ng Samahan. Ipahayag ang pagpapahalaga sa ibinigay na pinansiyal na tulong.

20 min: “Gawin Ninyong Karera ang Buong-Panahong Paglilingkod.” Tanong-sagot na pagtalakay ng artikulo na sinusundan ng mga pakikipanayam sa mga buong-panahong ministro na makapaglalahad kung papaanong sila’y napasiglang gawin nilang karera ang pagpapayunir. Anong mga pagpapala ang kanilang tinamasa? Bakit nila pinasisigla ang iba pa na kunin din ang karerang ito?

15 min: Maging Handang Irekomenda ang New World Translation. Itatampok ng matanda ang mga bahagi sa materyal sa mga pahina 254-7 ng aklat na Nangangatuwiran (276-80 sa Ingles). Anyayahan ang tagapakinig na sumubaybay at makibahagi sa pagtalakay sa mga punto na magagamit sa lokal na teritoryo.

Awit 17 at pansarang panalangin.

LINGGO NG NOBYEMBRE 20-26

Awit 40

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Magasin.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pagkatapos na talakayin ang parapo 5, itanghal ng mamamahayag ang dalawang magkaibang 30- hanggang 60-segundong presentasyon sa magasin.

15 min: Pahayag salig sa “Bakit Tayo Dapat Matakot sa Diyos, Hindi sa mga Tao?” mula sa mga pahina 4-7 ng Hunyo 1, 1989 ng Bantayan.

Awit 51 at pansarang panalangin.

LINGGO NG NOB. 27–DIS. 3

Awit 69

10 min: Lokal na mga patalastas. Itanghal ang dalawang 30- hanggang 60-segundong presentasyon na ginagamit ang pinakahuling magasin.

20 min: Tanong-sagot na pagtalakay sa “Ang Pagtutulungan ng Pamilya ay Nagdudulot ng mga Kapakinabangan.” Gagampanan ng isang matanda na ulo ng isang pamilya.

15 min: Pahayag sa “Lagi Ka Bang Huli?” salig sa Hunyo 8, 1989 Gumising!

Awit 73 at pansarang panalangin.

LINGGO NG DISYEMBRE 4-10

Awit 52

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 Min: “Tulungan ang mga Kabataan na Makinabang Mula sa Kombensiyon.” Tanong-sagot. Kapanayamin ang dalawa o tatlong kabataan kung papaano sila nakinabang mula sa mga programa ng kombensiyon. Papaano nakatulong sa kanila ang mga magulang nila? Ano ang kanilang ginawa upang maiwasan ang mga pagkagambala sa panahon ng sesyon?

15 min: Lokal na mga pangangailangan. Ilakip ang pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod upang pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa pasimula pa lamang ng buwan upang hindi maging di palagian dahilan sa pagdalo sa kombensiyon.

Awit 57 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share