Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG AGOSTO 6-12
12 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Isaalang-alang ang artikulong “Patiunang Paghahanda Para sa Setyembre.”
18 min: “Ang Bihasang mga Manggagawang Gumagamit na Matuwid ng Salita ng Diyos.” Tanong-sagot na pagkubre. Itatanghal ng tagapangasiwa sa paaralan o tagapangasiwa sa paglilingkod kung papaano tutulungan ang baguhang mamamahayag na mabatid ang mga bahagi ng New World Translation.
15 min: Dilidilihin ang Pagkakataon na Maging Isang Payunir. Nakapagpapatibay na pahayag na may pakikipanayam. Mayroon tayong 15,000 mga regular payunir sa Pilipinas. Ano ang nagpakilos sa kanila upang magpayunir? Ang pag-ibig kay Jehova at sa kapuwa (Mat. 22:37-39); ang pagnanais na makatulong sa marami na maligtas (1 Tim. 2:4); ang espiritu ng pagsasakripisyo-sa-sarili alang-alang sa mga kapakanan ng Kaharian. (1 Cor. 9:23) Mga hakbang na dapat kunin kung nais ninyong maging payunir: (1) Ipanalangin ito kay Jehova (Mat. 7:7, 8; Fil. 4:6); (2) ipakipag-usap ito sa mga payunir at mga matatanda (Kaw. 15:22); (3) isulat ang eskedyul, timbangin kung papaano ito makaapekto sa iba pang mga Kristiyanong pananagutan (Luc. 14:28); (4) magtakda ng petsa ng pagpapasimula, huwag hintaying maalis ang lahat ng sagabal bago magsimula. (Ecles. 11:4) Ang Setyembre ay isang mabuting panahon para magsimula; maaaring maging kuwalipikado para sa Pioneer Service School sa susunod na taon. Kapanayamin ang isa o dalawang payunir kung papaano nila napagtagumpayan ang mga hadlang sa pagpapayunir.
Awit 128 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta.
20 min: “Pasiglahing Sumulong ang mga Estudiyante sa Bibliya.” Tanong-sagot na pagtalakay. Sa pagsasaalang-alang sa parapo 4, itanghal kung papaanong ang isang may karanasang mamamahayag ay nagpapasigla sa estudiyante na sumulong samantalang tinatalakay nila ang parapo 3 sa pahina 14 ng brochure na Paggawa ng Kalooban ng Diyos.
15 min: Kailan Maaaring Makibahagi ang Isang Estudiyante sa Bibliya sa Pangmadlang Ministeryo? Pahayag ng matanda salig sa Disyembre 1, 1989 Bantayan, pahina 31.
Awit 217 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa paglilingkod sa larangan sa linggong ito.
20 min: “Ang Inyong Bahagi Upang Gawing Kapakipakinabang ang mga Pulong.” Gagampanan ng matanda ang pagtalakay sa pamamagitan ng tanong-sagot. Idiin kung ano ang pangangailangang lokal.
15 min: “Pagpapamalas ng Pagtitiwala kay Jehova sa Pamamagitan ng Pagpapayunir.” Pag-uusapan ng matanda at ministeryal na lingkod ang artikulo sa Abril 1, 1990 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
Awit 20 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOS. 27–SET. 2
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng mga Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot na pagkubre. Itanghal sa maikli ang mga mungkahi sa mga parapo 4 at 5.
20 min: Pahayag sa “Ang Pagiging Nasa Oras at Ikaw” mula sa Bantayan ng Hunyo 15, 1990, mga pahina 26-29. Ikapit sa lokal na paraan kung kinakailangan.
Awit 8 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas.
10 min: Alok sa Setyembre. Talakayin at itanghal ang mga litaw na punto at ilustrasyon sa aklat na Creation na maaaring gamitin sa buwang ito.
25 min: “Patuloy na Magluwal ng Bunga Taglay ang Pagtitiis.” Tanong-sagot na pagtalakay ng insert.
Awit 169 at pansarang panalangin.