Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/90 p. 2
  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • LINGGO NG OKTUBRE 8-14
  • LINGGO NG OKTUBRE 15-21
  • LINGGO NG OKTUBRE 22-28
  • LINGGO NG OKT. 29–NOB. 4
  • LINGGO NG NOBYEMBRE 5-11
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 10/90 p. 2

Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

LINGGO NG OKTUBRE 8-14

Awit 154

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Kayo ba’y Nasasangkapan para sa Larangan? Banggitin ang mga ilalagay sa bag na ginagamit sa paglilingkod sa larangan, lakip na ang Bibliya, Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, ang bukletang Good News for All Nations, tract, lapis, kasalukuyang alok at mga magasin, house-to-house record, at iba pa. Ang pagiging nahahanda ng isip ay humihiling na repasuhin ang mga punto na itatampok sa literatura. Gayundin, manalangin para sa banal na espiritu at tulong sa paghanap sa mga tulad-tupa.—Fil. 4:6, 7.

20 min: “Maging Masigasig sa Pagpapalaganap sa Balita ng Kaharian.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pagkatapos na talakayin ang parapo 7, itanghal kung papaano iaalok ang suskripsiyon gaya ng iminungkahi sa parapo. Gamitin ang Paksang Mapag-uusapan. Itampok ang pangangailangan na maging masigasig sa paglilingkod sa larangan.

15 min: Ang matanda ay makikipag-usap sa ilang huwarang kabataan. Talakayin ang mga pangunahing punto mula sa aklat na Tanong ng mga Kabataan, kabanata 17, “Dapat Ba Akong Huminto sa Pag-aaral?” Idiin ang pangangailangan na giyahan ng mga magulang ang mga kabataan sa pagpili ng kurikulum na makatutulong sa kanila na gawing matatag ang kanilang kinabukasan kasama ng organisasyon ng Diyos at itaguyod ang mga kapakanan ng Kaharian.

Awit 225 at pansarang panalangin.

LINGGO NG OKTUBRE 15-21

Awit 71

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta at tugon sa abuloy. Magbigay ng komendasyon sa pagtataguyod ng kongregasyon sa pambuong daigdig na gawain.—Kaw. 3:9.

20 min: “Maging Alistong Magpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot na pagtalakay. Magbigay ng impormasyon sa bilang ng mga pag-aaral na idinadaos ng kongregasyon. Sa parapo 5, ipakita kung papaanong mapasisimulan ang pag-aaral sa unang pagdalaw. Itanghal ang tuwirang paraan, na ginagamit ang isa sa mga pambungad sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 12 sa ilalim ng “Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya.”

15 min: “Ating Pinahahalagahan ang mga may Edad!” Pahayag ng matanda, salig sa impormasyong nasa Pebrero 1, 1986, Bantayan, pahina 28-9. Gumawa ng lokal na aplikasyon. Maaaring magkomento lalo na sa paggawa kasama ng mga ito sa larangan, na inaalalayan sila.—Job 15:10; Kaw. 16:31; 1 Tim. 5:1, 2.

Awit 116 at pansarang panalangin.

LINGGO NG OKTUBRE 22-28

Awit 160

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Magbigay ng paalaala para sa mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan, na nagpapasigla para tangkilikin ang pagpapatotoo sa gabi.

20 min: “Pagpapahalaga sa Ating mga Payunir.” Tatalakayin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang impormasyon kasama ng dalawa o tatlong payunir. Itanong sa mga payunir kung papaano sila nakapagpasigla sa iba, at hayaan silang magkomento kung ano ang pantanging nakapagpatibay sa kanila sa lokal na paraan. Papurihan ang kongregasyon sa pagtangkilik sa mga payunir.

15 min: “Kapag Nagtuturo, Abutin ang Puso.” Pahayag na tumatalakay sa apat na pangunahing punto sa Agosto 1, 1984, Bantayan, pahina 13-17. Tulungan ang tagapakinig na magpahalaga sa pangangailangan na magdaos ng pasulong na mga pag-aaral sa Bibliya. Gayundin, magkomento kung kailan ihihinto ang hindi mabungang mga pag-aaral.

Awit 121 at pansarang panalangin.

LINGGO NG OKT. 29–NOB. 4

Awit 69

8 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Sabado. Dalawang maikling pagtatanghal, ang isa ay para sa nagpakita ng interes, at ang isa naman ay para sa walang ipinakitang interes sa magasin subali’t sumang-ayon na basahin ang tract. Sa nagpakita ng interes, maaaring ipakita sa kaniya ng mamamahayag ang pananalita tungkol sa pambuong daigdig na gawaing edukasyonal sa Bibliya sa pahina 2 ng Ang Bantayan o pahina 4 ng Gumising! Ang pag-uusap ay maaaring magbukas ng daan upang maialok ang isang walang bayad na pag-aaral sa Bibliya.

15 min: Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Aklat na Salita ng Diyos.” Tanong-sagot na pagtalakay. Sa pagsasaalang-alang ng parapo 4, itanghal ang mungkahing presentasyon sa pag-aalok ng aklat na Salita ng Diyos. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 5 ng artikulo, gumawa ng pagtatanghal ang isang payunir sa pamamagitan ng paggamit ng pambungad na parapo sa pahina 5 para sa paghaharap ng aklat sa lugar ng negosyo o sa gawain sa lansangan.

22 min: “Halikayo sa ‘Dalisay na Wika’ na Pandistritong Kombensiyon”—Bahagi Uno. Pagtalakay sa tagapakinig ng mga parapo 1-15 at isang maikling repaso ng “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon.”

Awit 65 at pansarang panalangin.

LINGGO NG NOBYEMBRE 5-11

Awit 62

10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang mga kaayusan para sa dulong sanlinggong paglilingkod sa larangan. Magbigay ng mga mungkahi kung anong mga artikulo sa mga bagong magasin ang pantanging makatatawag-pansin sa mga tao sa lokal na teritoryo.

10 min: Mga Pagpapala sa Pagkakapit ng Ating Natutuhan. Maglahad ng inihandang mga karanasan hinggil sa pagkakapit ng mga bagay na natutuhan at ang mga pagpapala na naidulot sa mga indibiduwal na nagkapit niyaon. Pasiglahin ang lahat na maging gising sa pagkakapit sa mga bagay na natutuhan sa mga asamblea, mga lingguhang pulong at mula sa mga publikasyon ng Samahan.

25 min: “Halikayo sa ‘Dalisay na Wika’ na Pandistritong Kombensiyon”—Bahagi Dos. Talakayin sa tagapakinig ang mga parapo 16 hanggang 36 ng insert. Idiin ang maka-Kasulatang simulain na sumasaklaw sa ating paggawi sa mga kombensiyon. Pasiglahin ang mga kapatid na repasuhin ang insert sa mga estudiyante sa Bibliya at tulungan silang gumawa ng mga kaayusan upang makadalo.

Awit 127 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share