Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
PANSININ: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay maglalagay ng eskedyul para sa Pulong Ukol sa Paglilingkod bawa’t linggo sa Disyembre at Enero. Dapat na gumawa ng mga pagbabago ang mga kongregasyon kung kinakailangan upang makadalo sa isang pandistritong kombensiyon. Isang 30-minutong repaso sa mga tampok na bahagi ng programa ang naka-eskedyul para sa linggo ng Enero 7-13. Ang repaso para sa bawa’t araw ay maaaring iatas nang patiuna sa dalawa o tatlong kuwalipikadong mga kapatid na makapagbibigay ng mga pangunahing punto. Ang mga karanasan at komento ng tagapakinig ay dapat na maging maikli at nasa punto.
LINGGO NG DISYEMBRE 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipagunita sa mga kapatid na kanilang dalhin ang brochure na Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Pulong Ukol sa Paglilingkod sa susunod na linggo.
20 min: “Maging Alisto sa Pag-aalok ng Aklat na Mga Kuwento sa Bibliya.” Tanong-sagot. Sa pagtalakay sa mga parapo 3 at 4, itanghal ang mga puntong iniharap, lakip na ang bagong Paksang Mapag-uusapan.
15 min: Medical Document at Identity Card. Ipamamahagi ng Kalihim ang mga kard at lubusang tatalakayin ang Oktubre 1, 1990 sulat para sa lahat ng mga kongregasyon hinggil sa Medical Document para sa mga bautisadong mga mamamahayag at Identity Card para sa hindi pa bautisadong minor-de-edad na mga anak ng mga magulang na Saksi. Pasiglahin ang lahat na sundin ang mga tagubilin at panatilihing nasa panahon ang mga kard.
Awit 46 at pansarang panalangin.
LINGGO NG DISYEMBRE 17-23
8 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta.
20 min: “Pag-akay sa mga Estudiyante sa Bibliya Tungo sa Organisasyon ni Jehova.” Tanong-sagot. Sa parapo 3, itanghal kung papaano mapasisigla ang estudiyante na dumalo sa mga pulong, na ginagamit ang mga pahina 14 at 15 ng brochure na Paggawa ng Kalooban ng Diyos.
17 min: Ang Pasko ba ay Isang Pagdiriwang Salig sa Bibliya? Dalawang kapatid na lalake ang tatalakay ng paksa mula sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 111-13 (176-8 sa Ingles).
Awit 36 at pansarang panalangin.
LINGGO NG DISYEMBRE 24-30
5 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
20 min: “Tulungan ang Iba na Maging Bihasa sa Paggamit ng Salita ng Diyos.” Tanong-sagot. Itanghal kung papaano makatutulong ang mga mamamahayag sa mga estudiyante sa Bibliya o kung papaano makatutulong ang isang magulang sa kaniyang minor-de-edad na anak upang maghanda para sa ministeryo.
20 min: Pahayag sa “Sumusunod Ka ba sa mga Tagubilin?” salig sa Bantayan ng Oktubre 1, 1990, mga pahina 30, 31. Ikapit sa lokal na mga kalagayan.
Awit 183 at pansarang panalangin.
LINGGO NG DIS. 31–ENE. 6
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa May Pananalanging Paraan.” Nakahihikayat na pahayag. Itampok ang pangangailangang manalangin para sa patnubay ng Diyos at pagpapala sa ating ministeryo.
20 min: Lokal na pangangailangan, o mungkahing mga litaw na punto para sa pag-aalok ng matatandang mga publikasyon sa Enero at Pebrero.
Awit 188 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ENERO 7-13
5 min: Lokal na mga patalastas.
10 min: “Manatiling Gising at Mapagbantay.” Tanong-sagot na pagtalakay ng artikulo. Pasiglahin ang lahat na itaguyod ang pansirkitong asamblea at maging handang makinig na mabuti sa buong programa.
30 min: Repasuhin ang Programa ng “Dalisay na Wika” na Pandistritong Kombensiyon. Tatlong kuwalipikadong kapatid na lalake ang maaaring gumamit ng sampung minuto bawa’t isa upang kubrehan ang mga tampok na bahagi sa bawa’t araw ng kombensiyon. Tingnan ang mga tagubilin sa itaas sa ilalim ng “PANSININ” kung papaano iaatas at ihaharap ang mga ito. Huwag sikaping saklawin ang lahat ng pahayag kundi pumili ng mga susing punto na maaaring ikapit ng mga kapatid nang personal at sa paglilingkod sa larangan.
Awit 78 at pansarang panalangin.