Teokratikong mga Balita
◆ May kabuuang 1,718 ang dumalo sa pag-aalay ng Bethel sa Quezon City noong Abril 13, 1991. Kasama rito yaong mahigit pa sa 40 taon sa paglilingkod at 82 mga panauhing mula sa ibang bansa. Noong sumunod na araw, Abril 14, 78,501 ang dumalo sa pantanging pahayag ni Kapatid na John Barr sa anim na iba’t ibang lugar, na ikinonekta sa pamamagitan ng telepono.
◆ Nagkaroon ang Hungary ng bagong peak na 11,257 mga mamamahayag. Sumulong ang mga pag-aaral sa Bibliya mula 5,400 isang taon na ang nakararaan tungo sa 7,219.
◆ Sa Liberia, maraming kongregasyon ang may aberids na mahigit pa sa 20 oras sa paglilingkod sa larangan sa kabila ng mga kahirapan. Ang tulong ay maibiging ipinagkakaloob ng mga sangay sa Côte d’Ivoire at Sierra Leone.
◆ Sa unang pagkakataon sa loob ng siyam na taon, ang mga kapatid sa Nicaragua ay nakapagtipon sa isang malaking istadiyum sa Managua. Ang dumalo ay 11,404 at 283 ang nabautismuhan.