Tanong
● Gaano kadalas dapat magkaroon ng atas ang mga estudiyante sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro?
Ang isa sa mga pangunahing layunin ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay upang masanay ang mga tagapagsalita sa madla. Dahilan dito, ang eskedyul ay ginagawa upang ang karamihang pahayag ay maiatas sa mga kapatid na lalake.
Gayumpaman, ang isa pang mahalagang tunguhin ay sanayin ang lahat na maging mabibisang tagapangaral at tagapagturo sa ministeryo. Dahilan dito, angkop para sa mga kapatid na babae na magpatala.
Upang lubusang makinabang mula sa paaralan, iminumungkahing ang mga nakatala ay magkaroon ng isa man lamang atas bawat tatlong buwan. Kung ipinahihintulot ng lokal na mga kalagayan, ang mga kapatid na lalake ay maaaring bigyan ng karagdagang atas. Ang mga matatanda na regular na nagbibigay ng pahayag na nagtuturo at tampok na bahagi sa Bibliya ay hindi na kailangang atasan pa ng mga pahayag ng estudiyante.
Halos sa loob ng kalahating siglo, ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay nakatulong sa milyun-milyon upang gumawa ng espirituwal na pagsulong at matuto kung papaano ipahahayag ang sarili nang mas mabuti sa paghaharap ng mabuting balita ng Kaharian. Pinasisigla ang lahat na gamiting mabuti ang kamanghamanghang paglalaang ito mula sa Diyos na Jehova. Tunguhin natin na iharap ang ating sarili bilang mga sinang-ayunang lingkod ng Diyos, mga manggagawang “walang anumang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.”—2 Tim. 2:15.