May Bagong Anyo ang Ating Ministeryo sa Kaharian
Pasimula sa labas ng Oktubre, ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay may bagong anyo. Ang bagong disenyo ay magpapadali sa paglilimbag nito sa maraming wika at tutulong sa mga mambabasa na madaling hanapin ang impormasyon.
Sa bagong format na ito, ang lahat ng mga pamagat at artikulo ay maaaring buuin sa komputer. Ito’y nagbabawas ng maraming trabaho sa paglalathala ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
Para sa mga mambabasa, may ilang mga pagbabago na tutulong. Pare-pareho ang laki ng lahat ng mga letra, at ang piniling typeface ay madaling basahin, kahit pinaliit ang mga letra. Ang ulat ng paglilingkod sa larangan ay mas madaling basahin. Gayon din, ang mga pangunahing artikulo ay laging lilitaw sa panlabas na mga pahina, at ang karamihan ng mga artikulo ay tatapusin sa pahina ding iyon. Ang programa ng Pulong Ukol sa Paglilingkod, eskedyul ng Pag-aaral sa Aklat, ulat ng paglilingkod, Mga Patalastas, Teokratikong mga Balita, Mga Pagtitipon Bago Maglingkod, Paksang Mapag-uusapan, at ang Tanong ay masusumpungan sa panloob na mga pahina.
Inaasahan naming ang instrumentong ito ay magiging higit na mabisang pantulong sa gawaing pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian at paggawa ng mga alagad.