Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/91 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Subtitulo
  • Linggo ng Oktubre 7-13
  • Linggo ng Oktubre 14-20
  • Linggo ng Oktubre 21-27
  • Linggo ng Okt. 28–Nob. 3
  • Linggo ng Nobyembre 4-10
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 10/91 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre

Linggo ng Oktubre 7-13

Awit 17

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Pagsisimula ng mga Pag-aaral sa Tuwirang Pag-aalok.” Tanong-sagot na pagtalakay. Matapos ang parapo 3 at 4, itanghal ang tuwirang pag-aalok na ginagamit ang tract na Buhay sa Isang Mapayapang Bagong Sanlibutan.

15 min: Pagtalakay ng “Tanong,” “May Bagong Anyo ang Ating Ministeryo sa Kaharian,” at Teokratikong mga Balita.

Awit 157 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 14-20

Awit 214

10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta.

20 min: Magtakda ng Personal na mga Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod. Rerepasuhin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng kongregasyon sa nakaraang taon ng paglilingkod. Repasuhin ang huling ulat ng tagapangasiwa ng sirkito. Gamitin ang Index upang hanapin ang kailangang impormasyon at kung paano ikakapit ang payong ibinigay. Yaong mga nagtitiis sa tapat na paglilingkod ay nagpapatibay sa iba. (Heb. 6:10) Kapanayamin ang dalawang mamamahayag o payunir na may mabuting pagsulong sa nakaraang taon. Anong mga tunguhin ang itinakda nila para sa 1992? Pasiglahin ang lahat na magtakda ng kapaki-pakinabang na mga tunguhin upang pasulungin ang kanilang ministeryo sa 1992 taon ng paglilingkod.

15 min: “Pagbalikat sa Ating Pananagutan na Gumawa ng Mabuti sa Iba.” Tanong-sagot na pagtalakay. Kapag isinaalang-alang ang parapo 4, itanghal kung paano isang matanda sa Kingdom Hall ay nagbibigay ng komendasyon sa isang mamamahayag dahil sa tapat na halimbawa niya sa nagdaang mga taon.

Awit 94 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 21-27

Awit 44

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang mga punto sa mga magasing iaalok sa paglilingkod sa larangan sa linggong ito.

20 min: “Kaayusan sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat—Bahagi 3.” Pag-uusap sa materyal ng dalawang kunduktor ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, na ikinakapit sa lokal. Banggitin ang pangangailangang magpakita ng paggalang sa mga tahanang ginagamit para sa mga pagtitipon bago maglingkod, at papurihan ang mga nagpapagamit ng kanilang mga tahanan. Ilakip ang mga punto mula sa pagtalakay noong isang linggo tungkol sa pagtatakda ng mga tunguhin sa paglilingkod. Ang tagapangasiwa sa paglilingkod ang makakatulong sa mga mamamahayag na abutin ang mga tunguhin sa ministeryo.

15 min: “Mga Kabataan—Kayo ba’y Makapapasa sa Pagsubok sa Katapatan ng Kristiyano?” Pahayag salig sa artikulo sa Hunyo 15, 1991 Bantayan. Idiin ang kamangmangan ng doble-karang pamumuhay.

Awit 171 at pansarang panalangin.

Linggo ng Okt. 28–Nob. 3

Awit 187

8 min: Lokal na mga patalastas.

22 min: “Magsaayos na Ngayon Upang Makadalo sa 1991 ‘Mga Umiibig sa Kalayaan’ na Pandistritong Kombensiyon”—Bahagi 1. Pagtalakay sa tagapakinig sa mga parapo 1-9, at isang maikling pagrerepaso ng “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon” habang ipinahihintulot ng panahon.

15 min: Alok sa Nobyembre. Para sa alok ng Bibliya at aklat na Salita ng Diyos mayroon tayong bagong Paksang Mapag-uusapan, “Bakit Babasahin ang Bibliya?” Ang mga teksto ay 2 Timoteo 3:16 (ito’y kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang) at Juan 17:3 (ito’y umaakay tungo sa walang hanggang buhay). Ipatanghal ang Paksa, na itinatampok ang mga punto sa aklat na Salita ng Diyos.

Awit 70 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 4-10

Awit 65

5 min: Lokal na mga patalastas.

22 min: “Magsaayos na Ngayon Upang Makadalo sa 1991 ‘Mga Umiibig sa Kalayaan’ na Pandistritong Kombensiyon”—Bahagi 2. Pagtalakay sa tagapakinig sa mga parapo 10-25.

18 min: “Maging Buong Kaluluwa sa Ministeryo sa Larangan—Bahagi 3.” Tanong-sagot na pagtalakay. Sa parapo 4, ipatanghal sa may-karanasang mamamahayag kung paano tutulungan ang isang baguhan kapag nasa larangan.

Awit 155 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share