Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/91 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 11-17
  • Linggo ng Nobyembre 18-24
  • Linggo ng Nob. 25–Dis. 1
  • Linggo ng Disyembre 2-8
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 11/91 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre

Linggo ng Nobyembre 11-17

Awit 180

10 min: Lokal na mga patalastas at angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

20 min: “Inirerekumenda ang Salita ng Diyos.” Mga tanong at sagot. Kapag tinatalakay ang parapo 3 at 4, ipatanghal sa isang kuwalipikadong mamamahayag ang Paksang Mapag-uusapan, na ginagamit ang mga punto mula sa aklat na Salita ng Diyos gaya ng iminumungkahi sa parapo 5.

15 min: Ang Kahalagahan ng New World Translation Reference Bible. Pag-uusap. Isinaalang-alang ng isang matanda ang kahalagahan ng Reference Bible kasama ng dalawa o tatlong mamamahayag na mahusay ang paggamit nito. Pag-usapan ang kapahayagan ng New World Bible Translation Committee sa pahina 5. Itampok ang kahalagahan ng mga talababa, cross-references, dalawang konkordansiya, at apendise. Pag-usapan ang mga punto na maaaring gamitin sa pag-aalok ng Bibliya sa buwang ito.

Awit 46 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 18-24

Awit 27

10 min: Lokal na mga patalastas, Teokratikong mga Balita, ulat ng kuwenta, at pagtugon sa mga donasyong ipinadala.

12 min: “Maging Buong Kaluluwa sa Ministeryo sa Larangan—Bahagi 4.” Pahayag. Pasiglahin ang mga ulo ng pamilya na tulungan ang lahat sa sambahayan na maging organisado at magtakda ng makatuwirang mga tunguhin sa paglilingkod.

13 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Matalinong Paggamit ng mga Publikasyon.” Mga tanong at sagot. Ikapit ang impormasyon sa lokal na kalagayan.

10 min: “Bakit Dapat Maging Mapagpakumbaba?” Nakapagpapatibay na pahayag salig sa artikulo sa Hulyo 15, 1991 Bantayan, mga pahina 27-30.

Awit 92 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nob. 25–Dis. 1

Awit 164

5 min: Lokal na mga patalastas.

12 min: Kahalagahan ng brochure na School and Jehovah’s Witnesses. Pahayag, kung maaari ng isang matanda na may mga anak. Itampok ang kahalagahan ng brochure sa pagpapabatid sa mga awtoridad ng paaralan kung ano ang mga paniniwala ng mga Saksi ni Jehova at sa pagtulong kapuwa sa mga Kristiyanong magulang at sa mga kabataan may kaugnayan sa mga aktibidades sa paaralan. Ang inimprentang impormasyon ay dapat irepaso pana-panahon sa mga kabataan. Kapag may bumangong suliranin o tanong, tumingin sa brochure ukol sa patnubay. Itawag ng pansin ang espisipikong impormasyong nabanggit sa ilalim ng “Sound Moral Principles” at “Holidays and Celebrations.” (Mga pahina 9-11, 17-21) Bilang pangwakas, idiin ang pangangailangan ng mga magulang na magpakita ng interes sa pag-eeskuwela ng kanilang mga anak at makipagtulungan sa pangasiwaan ng paaralan.—Mga pahina 30-1.

20 min: Paghahanap at Pagtuturo sa mga Karapat-dapat. Pahayag at mga panayam. Itampok ang Mateo 10:11. Ang kahirapan na masumpungan ang mga tao sa kanilang tahanan ay isang suliranin na maaaring makaapekto sa ating pagkamabunga at kagalakan. Ano ang magagawa? Lapitan ang mga tao sa kanilang bakuran. Itala ang mga wala sa bahay at balikan agad ang mga ito. Ang ilan ay nagtagumpay sa pagdalaw sa gabi sapagkat karaniwan ay nasa bahay ang gayong mga tao sa oras na iyon, kaya makibahagi kayo sa pagpapatotoo sa gabi. Mabisa din ang pagpapatotoo sa lansangan. Kapag may interesadong natagpuan sa lansangan, kunin ang kanilang pangalan at direksiyon. Gumawa ng kaayusan na dumalaw sa kanilang tahanan. (Sa maikli ay kapanayamin ang dalawa o tatlong mamamahayag at/o payunir na nagtagumpay sa pagpapatotoo sa gabi o sa lansangan.) Dapat nating sundin ang utos ni Jesus na hanapin at pakainin ang kaniyang mga tupa. (Juan 21:15-17) Ito’y nagpapadama sa atin ng pangangailangang abutin ang mga tao sa bawat tahanan hangga’t magagawa.

8 min: Pagsasaalang-alang sa “Tanong.” Pahayag. Ipatalastas ang lokal na mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan pasimula sa Disyembre 1 upang ang lahat ay maaaring makibahagi nang maaga sa buwan.

Awit 183 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 2-8

Awit 59

10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin sa maikli ang mga puntong mapag-uusapan sa mga magasin na magagamit sa pagpapatotoo sa linggong ito.

20 min: “Kaayusan sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat—Bahagi 4.” Mga tanong at sagot. Patingkarin na ang lahat ay kailangang magpakita ng personal na interes sa isa’t isa sa grupo ng pag-aaral sa aklat.

15 min: Nakikinabang Mula sa mga Talambuhay ng mga Saksi ni Jehova. Pag-uusap ng dalawang kapatid na lalaki. Pana-panahon, ang mga talambuhay ng makabagong mga lingkod ng Diyos ay lumalabas sa Ang Bantayan at Gumising! Ang mga ito’y nakatala sa Watch Tower Publications Index kapuwa sa ilalim ng pangalan ng kapatid at ng pamagat ng artikulo. (Ipaghalimbawa kung paano makikita ang ispesipikong mga artikulo.) Mahalaga na ating maingat na basahin ang mga artikulong ito upang kumuha ng lakas at pampatibay-loob mula sa mga ito. Gamitin ang impormasyon upang palakasin ang ating mga kapatid at mga estudyante sa Bibliya. Sa maikli ay repasuhin ang artikulong “Anong Laking Kagalakan ang Maupo sa Hapag ni Jehova!” mula sa Ang Bantayan, Agosto 1, 1991, mga pahina 25-9. Patingkarin ang mga punto sa artikulo na tumutulong sa atin (a) sa ating ministeryo sa larangan, (b) upang magtiis sa ilalim ng pagsubok, (c) upang higit na pahalagahan si Jehova at ang kaniyang organisasyon, at (d) upang magpahalaga sa pambuong-daigdig na pagkakapatiran. Malaki ang ating kapakinabangan kung tayo’y magiging “mga tagatulad sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako.”—Heb. 6:11, 12.

Awit 18 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share