Teokratikong mga Balita
Ghana: Ang pagbabawal sa ating gawain sa lupaing ito ay inalis na ngayon. Nagagalak ang mga kapatid na bukas na naman ang kanilang mga Kingdom Hall at ang permiso sa pag-aaplay para sa legal na rehistrasyon ay ipinagkaloob.
Liberia: Pagkatapos ng maraming buwan ng pagiging sarado dahilan sa giyera sibil, muling binuksan ang sangay sa Liberia. Apat na misyonero ang nakabalik ngayon upang maglingkod sa sangay, at maliligaya ang mga kapatid sa malayang pagsasamasama.