Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas sa ₱24.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon ng Ang Bantayan sa ₱70.00. Hunyo: Ang bagong aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱48.00.
◼ Dapat na repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng mga regular payunir sa unang anim na buwan ng taon ng paglilingkod. Kung may nahihirapan sa pag-abot sa kahilingan sa oras, dapat na isaayos ng mga matatanda ang pagbibigay ng tulong. Bilang mungkahi, repasuhin ang sulat ng Samahan (S-201) ng Disyembre 1, 1991, at Disyembre 1, 1990. Tingnan din ang mga parapo 12-20 ng Setyembre 1986, insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito na tapos nang magpalabas ng slides sa lahat ng mga kongregasyon sa kanilang sirkito hinggil sa Silangang Europa ay magbibigay ng pahayag pangmadla na, “Maka-diyos na Karunungan sa Isang Maka-siyentipikong Sanlibutan” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ang mga nagnanais na mag-auxiliary payunir sa Abril at Mayo ay dapat na maagang magbigay ng kanilang aplikasyon. Ito’y makatutulong sa mga matatanda na makagawa ng mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at magkaroon ng sapat na literatura.
◼ Isang pantanging pahayag pangmadla ang idaraos sa lahat ng kongregasyon sa Linggo, Abril 5, 1992 sa paksang “Ang Papel ng Relihiyon sa mga Pangyayari sa Sanlibutan.” Ang mga kongregasyon na dinadalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o may pansirkito o pantanging asamblea sa linggong iyon ay dapat na mag-eskedyul ng pantanging pahayag sa Abril 12, 1992. Ang mga kongregasyon na hindi Linggo ang Pahayag Pangmadla ay dapat na mag-eskedyul ng pantanging pahayag pangmadla sa pagitan ng Abril 6-11. Isang balangkas ang ipadadala sa lahat ng kongregasyon, at ito’y dapat na karakarakang ibigay sa isang mahusay na matanda na aatasang magbigay ng pahayag.
◼ Makukuha na Naman:
Bibliyang King James Version (bi10)—Ingles
Watch Tower Publications Index, 1930-85—Ingles
Cassette Holder para sa Kingdom Melodies (walang laman)
◼ Eskedyul para sa pagbabasa ng Bibliya sa linggo ng Memoryal:
Linggo, Abril 12 (Nisan 9)
Lunes, Abril 13 (Nisan 10)
Martes, Abril 14 (Nisan 11)
Miyerkules, Abril 15 (Nisan 12)
Huwebes, Abril 16 (Nisan 13)
Biyernes, Abril 17 (Nisan 14)