Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/92 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Mayo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Mayo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Subtitulo
  • Linggo ng Mayo 4-10
  • Linggo ng Mayo 11-17
  • Linggo ng Mayo 18-24
  • Linggo ng Mayo 25-31
  • Linggo ng Hunyo 1-7
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 5/92 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Mayo

Linggo ng Mayo 4-10

Awit 186

15 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin din “Ang Paaralan ng Ministeryo sa Kaharian ay Naglalaan ng Teokratikong Edukasyon.” Oorganisahin ng Tagapangasiwa sa Paglilingkod ang mga pagdalaw-muli sa mga dumalo sa Memoryal na hindi pa nag-aaral sa kasalukuyan.

15 min: “Ipahayag ang Mabuting Balita Taglay Ang Bantayan.” Tanong-sagot na pagsasaalang-alang sa artikulo. Ilakip ang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung papaanong ang paggamit sa mga punto sa pahina 2 ng Ang Bantayan ay lilikha ng pagpapahalaga sa suskripsiyon sa isipan ng maybahay.

15 min: Pagtalakay sa “Pagsamba sa Ninuno” sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 300-2 (29-32 sa Ingles). Bagaman sinasabi ng marami na hindi naman sinasamba ang mga ninuno ng karamihan sa tinatawag na mga lupaing Kristiyano, marami ang nangyayaring pagpaparangal sa mga patay sa makabagong lipunan. Ang mga estatuwa at mga larawang iginuhit ay nagpapagunita sa mga kilalang tao. Ipakilala ang tagpo na ang ama ay nakikipag-usap sa anak na tin-edyer. Ginagamit ng magulang ang impormasyon sa aklat na Nangangatuwiran sa pahina 301 (30 sa Ingles). Itampok ang materyal mula sa unang dalawang sub-titulo upang ipakita sa bata kung bakit may panganib ang panonood ng nakatatakot na pelikula na nagtataguyod ng espiritismo o ng ideya na bumabalik ang mga patay upang pagmultuhan ang nabubuhay. Ipaliwanag ang kalagayan ng patay at ang pag-asa sa pagkabuhay-muli at ipakita kung papaano ito dapat makaapekto sa ating pangmalas sa patay. Ipinahayag ng bata ang pagnanais na iwasan ang libangang nagtataguyod sa espiritismo.

Awit 208 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 11-17

Awit 209

10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin din ang mga punto sa “Tanong.”

15 min: “Mabibisang Panimulang Pagdalaw.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pagkatapos isaalang-alang ang parapo 4, itanghal kung papaanong ang isang mamamahayag ay maaaring mag-alok at magtanghal ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya na ginagamit ang tract na Buhay sa Isang Mapayapang Bagong Sanlibutan.

20 min: Pag-aalok ng Ang Bantayan sa bahay-bahay. Ang may kakayahang mamamahayag ay nakikipag-usap sa maybahay, na ginagamit ang mungkahing presentasyon sa parapo 3 ng artikulong “Mabibisang Panimulang Pagdalaw.” Gumawa ng angkop na pagtukoy sa mahahalagang punto sa natupad na hula ng Bibliya sa Mayo 15, 1992, Bantayan. Ang maybahay ay kawili-wiling kausapin subalit maliit lamang ang interes. Iniharap sa kaniya ng mamamahayag ang mga magasin at ipinahayag ang pagnanais na magbalik at talakayin pa ang bagay na ito. Sumang-ayon ang maybahay. Pagkatapos ng pagtatanghal, tinanong ng tsirman ang mamamahayag kung bakit hindi siya nag-alok ng suskripsiyon. Nadama ng mamamahayag na kakaunti lamang ang interes at marahil ay mas angkop na mag-alok ng suskripsiyon sa susunod na pagkakataon kung sumulong na ang interes.

Awit 87 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 18-24

Awit 195

10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Magbigay ng komendasyon para sa mga donasyon sa Samahan at sa kongregasyon.

15 min: Talakayin ang materyal sa “Antikristo” sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 29-31 (32-3 sa Ingles). Ano ang katuturan ng “antikristo”? Iisa lamang ba o marami ito? Kailan lumitaw ang antikristo, at sino ang tinutukoy nito? Maikling pagtatanghal ng isang mamamahayag na dumadalaw sa isang palasimba na binabalaan hinggil sa mga Saksi ni Jehova.

20 min: “Gamitin ang Aklat na Nangangatuwiran sa mga Pagdalaw-muli.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itampok ang dalawang ininsayong mabuting pagtatanghal sa mga parapo 3 at 4.

Awit 197 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 25-31

Awit 169

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

20 min: Pag-aalok ng bagong aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Iharap ang isang ininsayong mabuting demonstrasyon ng sumusunod: Pagkatapos maipakilala ang sarili, maaaring sabihin ng mamamahayag, “Kung ating itatanong kung sino ang pinakadakilang tao na nabuhay kailanman, iba’t ibang kasagutan ang ating tatanggapin. Sa lahat ng tao sa kasaysayan na tinawag na dakila, walang isa man na nakaapekto sa buhay ng napakarami sa sangkatauhan sa isang makapangyarihang paraan kagaya ni Jesus. Ang kaniyang halimbawa ay karapatdapat tularan. Tingnan kung ano ang sinabi ng kaniyang alagad na si Pedro hinggil sa kaniya. [Basahin ang 1 Pedro 2:21.] Niliwanag mismo ni Jesus kung bakit mahalaga na tayo’y sumunod sa kaniya. Ang tunay na pagsamba sa Ama ay sa pamamagitan lamang ni Jesus, gaya ng kaniyang sinabi sa Juan 14:6. [Basahin.] Gaano ang ating nalalaman hinggil kay Jesus bilang isang tao? Ano ang kaniyang itinuro? Papaano siya nabuhay at nakitungo sa iba? Ang aklat na ito, Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, ay sasagot sa mga katanungang ito at sa marami pang iba.” Ipakita ang mga tampok na bahagi ng aklat. Kapag ipinakikita sa maybahay ang aklat, banggitin ang dalawang pagsipi sa pambungad, gaya niyaong kay H. G. Wells at Napoleon. Ipakita ang napakaiinam na ilustrasyong de-kolor gaya niyaong nasa mga kabanata 26 at 44.

15 min: Humiling ng mga karanasan mula doon sa nag-auxiliary payunir noong Abril at Mayo. Anong mga pagsasakripisyo ang kanilang ginawa, at papaano nilang nadama na pinagpala ni Jehova ang kanilang mga pagsisikap? May napasimulan bang mga bagong pag-aaral sa Bibliya bilang resulta ng kanilang mas malaking gawain sa buwang ito? Ang mga karanasan ay dapat na ihanda nang patiuna. Pasiglahin ang lahat na isaalang-alang ang pag-aauxiliary payunir sa dumarating na mga buwan, o maging ang pagpapatala bilang isang regular payunir kung ipinahihintulot ng mga kalagayan.

Awit 93 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 1-7

Awit 65

10 min: Lokal na mga patalastas.

25 min: “Paggamit sa Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.” Gagampanan sa pamamagitan ng pagtalakay na may pakikibahagi ang mga tagapakinig. Magkaroon ng dalawang pagtatanghal. Ang una ay dapat na gumamit ng iminungkahing presentasyon na masusumpungan sa parapo 3. Ang ikalawa ay dapat na magpakita sa maikli kung papaano mapasisimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya sa pamamagitan ng paggamit ng bagong publikasyon.

10 min: Lokal na pangangailangan o masiglang pahayag salig sa impormasyon sa Setyembre 15, 1991, artikulo ng Bantayan na “Mga Ilustrasyon—Isang Susi Upang Maabot ang mga Puso.” Magbigay ng mungkahi na magiging angkop sa lokal na teritoryo taglay ang aklat na Pinakadakilang Tao.

Awit 80 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share