Mga Patalastas
◼ Alok na literatura para sa Abril at Mayo: Suskripsiyon sa Bantayan sa isang taon sa ₱70.00. Hunyo: Ang bagong aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱48.00. Hulyo: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱48.00, maliit na edisyon sa ₱24.00.
◼ Ang mga pidido ay maaari na ngayong ipadala para sa 1991 tomo ng Watchtower at Awake! Ang mga pidido ay sisingilin sa kuwenta ng kongregasyon at mamarkahan ng “later” sa invoice. Kapag dumating na ang mga tomo galing sa Nueba York, ipadadala ang inyong mga pidido. Karakaraka kapag ito ay natanggap ng mga kapatid, ang halagang ₱96.00 para sa bawat tomo ay dapat na ipadala sa Samahan kasama ng inyong susunod na remittance.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon: Ang brochure na Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman! ay makukuha na ngayon sa wikang Samal, na ginagamit ng mga Muslim sa ilang bahagi ng Mindanao. Makukuha rin ito sa Tausug.