Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/92 p. 4
  • Paghaharap ng Aklat na Creation

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paghaharap ng Aklat na Creation
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 7/92 p. 4

Paghaharap ng Aklat na Creation

1 Yamang ang karamihang tao sa ating mga teritoryo ay naniniwala sa isang maylikha, maaaring maging hamon na ipakipag-usap sa ating kapuwa ang paksang ito. Ano ang maaari nating sabihin upang antigin ang interes ng maybahay? Anong mga punto ang inyong itatampok? Ang sumusunod na mga mungkahi ay makatutulong sa atin na maging handa upang magkaroon ng isang kapanapanabik na pakikipag-usap sa ating kapuwa habang ating iniaalok ang aklat sa ating mga teritoryo. Ang mga mungkahi ay maaaring iangkop sa lokal na mga kalagayan.

2 Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?: Maging ang nag-aangking mga Kristiyano ay nag-iisip sa katanungang ito. Kaya maibabangon natin ito sa ating pambungad upang antigin ang interes ng maybahay.

3 Pagkatapos ng isang angkop na pagbati, maaari ninyong sabihin:

◼ “Sa pakikipag-usap sa aming kapuwa, nasumpungan namin na maraming tao ang nag-iisip kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang maraming pagdurusa sa ngayon. Sinisisi pa ng ilan ang Diyos dahilan sa kanilang mga suliranin. Ano ang masasabi ninyo sa bagay na ito? [Hayaang magkomento.] Subalit hindi ba totoong ang karamihan sa ating mga suliranin ay likha ng mga tao, hindi ng Diyos? Pansinin kung papaanong ipinakikita ito sa Eclesiastes 8:9. [Basahin.] Ipinakikita rin ng Bibliya na ipapahamak ng Diyos ang mga nagpapahamak sa lupa, anupat wawakasan ang pagdurusa magpakailanman. [Basahin ang Apocalipsis 11:18.]” Pagkatapos ay akayin ang pansin sa Kabanata 16 ng aklat na Creation, na ipinakikita ang ilustrasyon sa pahina 197.

4 Nasumpungan ng marami na ang pagbaling sa isang kabanata ng aklat na tumatalakay sa kapanapanabik na punto ay nakatutulong. Pansinin kung papaano ito maaaring gawin sa paksa kung baga kinasihan ang Bibliya o hindi.

5 Pagkatapos na ipakilala ang inyong sarili, maaari ninyong sabihin:

◼ “Maraming tao ngayon ang may Bibliya, subalit talaga bang pinaniniwalaan nila ito bilang Salita ng Diyos? Dito sa 2 Timoteo 3:16, sinasabi na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos. [Basahin.] Kung may magtanong sa inyo, papaano ninyo patutunayang totoo ito? [Hayaang sumagot.] Dito sa Kabanata 17 ng aklat na ito, Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, may patotoo tayo na ang Bibliya ay kaayon ng siyensiya, medisina, at kasaysayan, at ito ay tapat at may pagkakasuwato. [Basahin ang mga sub-titulo.] Ang Kabanata 18 ay nagpapakita rin na ito’y may katumpakang humuhula hinggil sa kinabukasan, bagay na magagawa lamang ng Diyos. Yamang ito’y Salita ng Diyos, kailangan nating pag-aralan ito at ikapit ang mga payo nito. Upang matulungan kayong gawin ito ikinalulugod kong iwan sa inyo ang aklat na ito sa maliit na kontribusyon.”

6 Iba Pang Nakatutulong na Bahagi: Ang malawak na mga reperensiya sa likuran ng aklat ay magagamit rin upang ipakita ang isinagawang pagsasaliksik. Para doon sa interesadong ihambing ang ebolusyon sa paglalang, ang tsart sa pahina 112 ay nagbibigay ng dagling sumaryo. At para sa mga interesado sa mga katotohanan ng siyensiya, ang Kabanata 9 sa “Our Awesome Universe” at ang Kabanata 10 sa “Evidence From a Unique Planet” ay naglalaan ng napakainam na impormasyon. Kung nais ninyong repasuhin ang mga hula na nagpapakitang tayo’y nabubuhay sa mga huling araw, maaaring tingnan lamang ninyo ang mga pahina 224 at 225 para sa maikling talaan.

7 Sa pamamagitan ng paggamit ng mabibisang paraan ng paghaharap ng aklat na Creation, maaari nating matulungan ang marami pang tao na parangalan ang maylikha at pag-aralan ang kaniyang Salita.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share