Pagbabalik Taglay ang Tunguhing Pasimulan ang Isang Pag-aaral sa Bibliya
1 Pagkatapos matagpuan ang isang interesadong tao, dapat nating panatilihing buháy ang interes. Ang mga pagdalaw muli ay maaaring tuwirang umakay sa mga pag-aaral sa Bibliya. Isaalang-alang ang mga mungkahing ito sa paggawa ng mabibisang mga pagdalaw muli.
Sa pagtatapos ng unang pagdalaw, maaari kayong maglatag ng pundasyon para sa pagdalaw muli sa pagsasabing:
◼ “Kailan wawakasan ng Diyos ang pagdurusa?” Pagkatapos na kayo’y magbalik maaari ninyong sabihin: “Noong nakaraan kong pagdalaw, naibangon ang katanungan kung kailan wawakasan ng Diyos ang pagdurusa. Sa aklat na Creation na iniwan ko sa inyo may maliwanag na kasagutan sa pahina 223. [Basahin ang mga parapo 20, 21.] Pagkatapos dito sa mga pahina 224 at 225 ay makikita ang mga patotoo na tayo’y nabubuhay ngayon sa panahon na kikilos ang Diyos upang wakasan ang lahat ng pagdurusa.” Buksan ang isang pag-aaral sa Bibliya.
2 Pagkilala sa mga Tunay na Sumusunod sa Bibliya: Upang ang Diyos ay mapasa isang relihiyon, dapat na ito’y nagluluwal ng matutuwid na bunga.
Upang mapasimulan ang isang pagdalaw muli, maaari ninyong itanong:
◼ “Papaano dapat makaapekto ang relihiyon sa paggawi ng isang tao? Ang sinabi ni Jesus sa Mateo 7:17-20 ay nagbibigay sa atin ng giya na dapat na sundin ng tunay na relihiyon. [Basahin.] Bagaman milyun-milyon ang nag-aangking naniniwala sa Diyos, marami ang nagkakaila sa kaniya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Anong uri ng mga gawa ang nagpapakilala sa mga namumuhay na kasuwato ng Bibliya? Ang aklat na Creation, sa mga pahina 229 hanggang 231, ay nagbibigay ng tatlong simpleng mapagkakakilanlang tanda.” Buksan ang aklat at banggitin sa maikli ang tatlong puntong salig sa Isaias 2:2-4, Juan 13:35, at Mateo 24:14. Pagkatapos ay sabihing babalik kayo sa susunod na linggo upang isaalang-alang ito nang detalyado.
3 Ano ang kinabukasan niyaong mga naghahanap sa tunay na Diyos? Ang pagtalakay sa katanungang ito mula mismo sa aklat na Creation ay maaaring umakay sa isang pag-aaral sa Bibliya.
Upang pasimulan ang pag-uusap, maaari ninyong sabihin:
◼ “Dahilan sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya, maraming tao ang nababahala sa kinabukasan. Hayaang ninyong ibahagi ko sa inyo ang pangako ng Diyos sa Isaias 65:21, 22, 25. [Basahin.] Ang aklat na Creation ay sumasagot sa ilang katanungan hinggil dito, pasimula sa parapo 10 sa pahina 238.” Itanghal ang kaayusan ng pag-aaral sa Bibliya, na ginagamit ang mga parapo 10-12. “Sa susunod na linggo ay nais kong isaalang-alang nang higit pa ang tungkol sa mga pangakong ito ng Bibliya, pasimula sa parapo 13.”
4 Ang mga pagdalaw muli taglay ang tunguhing pasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya ay maaaring mangahulugan ng buhay na walang hanggan para sa mga pinangangaralan natin.