Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/92 p. 1
  • Mabisang Paggawa sa Bahay-bahay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabisang Paggawa sa Bahay-bahay
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Palaging Asikasuhin Mo ang Iyong Turo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Teritoryong Madalas Nagagawa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Magasin sa Teritoryong Madalas Gawin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Ginaganap Mo Ba Nang Lubos ang Iyong Ministeryo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 9/92 p. 1

Mabisang Paggawa sa Bahay-bahay

1 Sa ngayon ang “mabuting balita” ay ipinangangaral sa buong lupa. (Mat. 24:14) Ito’y pangunahing isinasagawa sa pamamagitan ng ministeryo sa bahay-bahay.—Gawa 20:20, 21.

2 Ang ating mga presentasyon ay dapat na ibagay sa mga taong nasusumpungan natin. Kaya makabubuting maghanda ng iba’t ibang paksa sa Kasulatan na makaaakit sa mga tao sa ating teritoryo.

3 Gamiting Mabuti ang mga Brochure: Maraming paksa ang sinasaklaw ng ating mga brochure na dapat na umakit sa mga tao saan mang lugar. Ang mga ilustrasyon ay mabibisang pantulong. Tumutulong sa mga tao ang mga brochure upang makita ang kinakailangang pagbabago sa kanilang mga paniniwala, saloobin, at paraan ng pamumuhay. Ang pagiging lubusang pamilyar sa mga nilalaman ng mga brochure ay tutulong sa atin na makipag-usap nang mabisa sa mga tao sa iba’t ibang mga paksa.

4 Upang maging mabisa sa ministeryo, kailangang ipakita natin ang tunay na personal na interes. (Fil. 2:4) Pagsikapang ituon ang usapan sa tema ng Kaharian na angkop sa tao at sa kaniyang mga pangangailangan. Sikaping alamin ang iniisip ng tao sa pamamagitan ng angkop na mga tanong. Makinig na mabuti sa kaniyang mga kasagutan. Ang kaniyang mga komento ay tutulong sa inyo na maunawaan kung saang paksa siya interesado. Nais nating matulungan ang mga tao na makita ang kahalagahan ng pabalita ng Kaharian at ipakita sa kanila kung papaano matututo pa nang higit tungkol dito. Ipinaliwanag ng isang mag-asawa na tinanggap nila ang isang pag-aaral sa Bibliya dahilan sa ipinakitang taimtim na personal na interes ng kapatid na dumalaw sa kanila.

5 Sa Teritoryong Madalas Gawin: Ang pagiging mabisa ay lalo nang kailangan sa teritoryong madalas gawin. Ang mas mabisang ministeryo ay makatutulong sa atin na mapalawak ang ating teritoryo. Sa halip na kumilos na para bang hindi pa natin nadadalaw ang tahanang iyon, maaari nating banggitin ang ating nakaraang pagdalaw at pagkatapos ay dagdagan pa kung ano ang ating sinabi noon. Ang mga naimungkahing presentasyon sa mga nakaraang labas ng Ating Ministeryo sa Kaharian at sa aklat na Nangangatuwiran ay maaaring gamitin ayon sa kalagayan ng teritoryo.

6 Matiyagang pinanatili ni Jehovang bukas ang pintuan upang higit na maraming tao ang makinabang sa mga pagpapala ng Kaharian. Ang ministeryo ni Jesus ay mabisa dahilan sa kaniyang pag-ibig sa mga tao. (Mar. 6:34) Ginagawa ba natin ang ating makakaya upang sundin ang kaniyang halimbawa? (1 Ped. 2:21) Huwag nawa tayong mag-atubili sa lubusan at mabisang pakikibahagi sa ministeryo sa bahay-bahay.—2 Tim. 4:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share