Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/92 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 12/92 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Disyembre: New World Translation of the Holy Scriptures kasama ang aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edsiyon sa ₱30.00. Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).

◼ Mahalaga para sa mga mamamahayag at mga pamilya na gumawa ng tiyak na mga kaayusan para makabahagi sa paglilingkod sa larangan sa pagsisimula pa lamang ng Disyembre. Kung dahilan sa pagdalo sa isang kombensiyon o sa pagbabakasyon ay mawawala kayo sa inyong kongregasyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking ibigay ang inyong ulat sa kalihim bago kayo umalis. Sa pagiging alisto ng lahat sa pagbibigay ng kanilang ulat nang nasa panahon, ang lahat ng mga mamamahayag ay mabibilang sa ulat ng Disyembre. Nang nakaraang Disyembre ay nakipagtulungang mabuti ang lahat anupat ang ating ulat ay hindi bumaba. Tayo nawang lahat ay maging “tapat sa maliliit na bagay” sa Disyembre ding ito.—Luc. 16:10.

◼ Yamang ang kombensiyon sa taóng ito ay magiging tatlong araw, hindi kailangang kanselahin ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa linggo ng kombensiyon.

◼ Ang lahat ay makikinabang nang higit mula sa drama sa “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na Pandistritong Kombensiyon sa pamamagitan ng pagbabasa sa kinasihang ulat na nakatala sa 2 Hari 22:1–23:23 at 2 Cronica 34:1–35:19 bago dumalo sa kombensiyon.

◼ Ang Disyembre 25, 30, at Enero 1 ay magiging pista opisyal, kaya ang mga kongregasyong wala sa kombensiyon ay dapat na mag-eskedyul ng pantanging gawain sa magasin sa mga araw na iyon.

◼ Ang taunang teksto sa 1993 ay hinalaw mula sa Awit 86:11: “Turuan mo ako, O Jehova . . . Pagkaisahin mo ang aking puso na matakot sa iyong pangalan.” Ang lahat ng mga kongregasyon ay dapat maglagay ng bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 1993.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share