Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/93 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 1/93 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Enero: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon ng Ang Bantayan sa ₱80.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakahihiling ng mga nabanggit sa itaas para sa kampanya ay dapat na gumawa nito sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).

◼ Ang Enero ay panahon para sa pagwawasto ng ating Medical Documents at Identity Cards para sa 1993. Gayundin, ang lahat ng bagong bautisadong miyembro ng kongregasyon ay dapat paglaanan ng isang card, gayundin ang mga di bautisadong mga minor-de-edad na mga anak ng mga magulang na Saksi. Pakisuyong repasuhin ng Kalihim ang sulat para sa lahat ng mga kongregasyon na may petsang Nobyembre 1, 1991 kung papaano pupunan ang mga card na ito, at paglaanan ang lahat ng nangangailangan ng card. Kung kinakailangan, pumidido ng karagdagan pa sa Samahan.

◼ Ang pagdiriwang ng Memoryal sa taóng ito ay idaraos sa Martes, Abril 6, 1993, paglubog ng araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magpasimula nang mas maaga, pakisuyong tandaan na ang pagpapasa ng tinapay at alak ng Memoryal ay hindi dapat magpasimula bago lumubog ang araw. Walang idaraos na iba pang pulong sa araw na iyon. Kung ang inyong kongregasyon ay may pag-aaral ng kongregasyon sa aklat o iba pang pulong sa araw na iyon, ito’y dapat gawin sa ibang araw sa linggong iyon. Ang mga paanyaya sa Memoryal ay ipadadala sa mga kongregasyon kapag nailimbag na ang mga yaon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share