Mga Pambungad Upang Pumukaw ng Interes
1 Si Jesus ay dalubhasa sa kaniyang paggamit ng mga pambungad. Nakikipag-usap man sa isang malaking grupo o sa isang tao, nakuha ni Jesus ang atensiyon ng kaniyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagsasangkot sa kanila. Ipinakita niya sa kaniyang mga tagapakinig ang kahalagahan ng kaniyang paksa.—Mat. 5:3-12; Luc. 20:25-37; Juan 4:7-30.
2 Kailangan ang Patiunang Paghahanda: Upang mapukaw ang interes sa ating mensahe, kailangan nating ibagay ang ating mga pambungad para isangkot ang indibiduwal, umangkop sa kaniyang mga ikinababahala, at magpakita na ang pabalita ng Kaharian ay makatutulong sa kaniya nang personal.
3 Sa paghahanda para sa ministeryo, repasuhin ang mga pangunahing ikinababahala ng mga tao sa komunidad. Sa ano interesado ang isang kabataan? Ang matanda? Ang asawang lalake, asawang babae, o mga magulang? Sa halip na gamitin ang iyo’t iyon ding pambungad sa bawat pintuan, karaniwang higit na mabisa na maghanda ng ilang mga pambungad at maging handa na baguhin iyon habang pinagmamasdan ninyo ang reaksiyon ng mga maybahay. Papangyarihin nitong maging sariwa at kapanapanabik ang inyong paglapit.
4 Sa buwang ito ng Pebrero, nanaisin ninyong gamitin ang isang presentasyong gaya nito taglay ang aklat na “Mabuhay Magpakailanman”:
◼ “Magandang umaga po. Nakikipag-usap kami sa mga kapitbahay hinggil sa mga katangiang nais nilang makita sa isang taong mamamahala sa iba. Maaari ko bang itanong kung anong mga katangian ang sa palagay ninyo’y pinakamahalaga? [Hayaang sumagot.] Alam ba ninyo na inilalarawan ng Bibliya ang mga kuwalipikasyon ng Isa na sinang-ayunan upang maging tagapamahala ng sangkatauhan? Naririto iyon sa Isaias 9:6, 7. [Basahin.] Ano sa palagay ninyo ang magiging kalagayan sa ilalim ng gayong tagapamahala?” Hayaang sumagot at pagkatapos ay akayin ang pansin sa aklat na Mabuhay Magpakailanman sa pahina 112 at 113 upang pukawin ang higit pang pag-uusap.
5 Kung kayo’y nakikipag-usap sa mga pamilya, ang sumusunod na presentasyon ay maaaring maging mabisa kapag itinatampok ang aklat na Mabuhay Magpakailanman.
Pagkatapos ng lokal na pagbati, maaari ninyong sabihin:
◼ “Napapansin ba ninyo na ang pang-araw-araw na kagipitan at mga suliranin ay naghaharap ng tunay na hamon sa mga pamilya ngayon? [Hayaang sumagot.] Mayroon ba kayong masasabi kung saan maaaring bumaling ukol sa mainam na payo? [Hayaang sumagot.] Inaakay namin ang pansin sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa paksang ito. Pansinin kung ano ang sinabi ng Pinagmulan ng pag-aasawa sa unang mag-asawang tao.” Basahin ang Genesis 1:28 at pagkatapos ay bumaling sa pahina 238 sa aklat na Mabuhay Magpakailanman at ipagpatuloy ang inyong pagtalakay, na ginagamit ang mga punto sa kabanata 29.
6 Sa pagtulad sa mga pamamaraan ni Jesus sa pagkuha ng interes at pagsasangkot sa mga tagapakinig sa pag-uusap, naipakikita natin sa tapat-pusong mga tao ang kahalagahan ng espirituwal na mga bagay.