Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/93 p. 1
  • Ibahagi ang Tumpak na Kaalaman sa Pebrero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ibahagi ang Tumpak na Kaalaman sa Pebrero
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Gamitin ang mga Tract Upang Iharap ang Aklat na Pinakadakilang Tao
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Gamitin ang mga Tract Upang Pasimulan ang mga Pakikipag-usap
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Paggamit ng mga Tract Upang Magluwal ng mga Kapakipakinabang na Resulta
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Iugnay ang mga Tract sa Iba Pang mga Literatura
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 2/93 p. 1

Ibahagi ang Tumpak na Kaalaman sa Pebrero

1 Sa ating ministeryo sa larangan sa Pebrero, itatampok natin ang aklat na Mabuhay Magpakailanman. Ano ang sasabihin ninyo upang pasimulan ang isang napapanahong pag-uusap sa Bibliya, at papaano ninyo ihaharap ang mainam na publikasyong ito?

2 Paggamit ng Ating mga Bagong Tract: Natamo ng ilang mamamahayag ang tagumpay sa pamamagitan ng paggamit ng mga tract upang antigin ang interes ng isang tao, kahit na bago pa iharap ang ibang literatura. Papaano tayo matutulungan upang maisagawa ito? Sa pamamagitan ng pagtatampok sa ating bagong tract na Ang Sanlibutan Bang Ito ay Makaliligtas?

Pagkatapos ng isang angkop na pagbati maaari ninyong sabihin:

◼ “Tinatanong namin ang mga tao kung sa palagay nila’y mayroon pang pag-asa para sa isang higit na mabuting buhay. Ano sa palagay ninyo? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya dito sa Juan 17:3. [Basahin.] Ang Diyos lamang at si Jesu-Kristo ang makapag-aalok sa atin ng buhay na walang hanggan. [Bumaling sa pahina 3 ng tract.] Inilarawan ni Jesus ang mga pangyayari na magaganap bago ang katapusan ng sanlibutan. Subalit sinabi niya sa kaniyang mga alagad na magalak dahilan sa ang mga pangyayaring ito ay mangangahulugan na nalalapit na ang katubusan.” Pagkatapos ay ipakita ang ilang larawan sa kabanata 19 ng aklat na Mabuhay Magpakailanman upang ipakita ang ilan sa mga pagpapala ng pamamahala ng Kaharian.

3 Ang isang bata o baguhang mamamahayag ay maaaring gumamit ng mga ilustrasyon sa tract bilang pambungad.

Ginagamit ang tract na “Ang Sanlibutan Bang Ito ay Makaliligtas?,” maaaring buksan ng isang mamamahayag ang mga pahina 3 at 4 at sabihin:

◼ “Pansinin ang dalawang larawang ito, ang isa ay eroplanong naghuhulog ng bomba sa panahon ng digmaan at ang isa naman ay tungkol sa nagugutom na bata. [Bumaling sa pahina 5.] Tingnan ang mga larawang ito ng isang lindol at isang lalaking may sakit sa isang kama ng ospital. [Huminto.] Ipinakikita ng Bibliya na ang ganitong kakila-kilabot na mga bagay ay malapit nang magwakas.”

4 Kung interesado ang tao, basahin ang Apocalipsis 21:3, 4 mula sa Bibliya o kaya’y mula sa tract sa pahina 6. Pagkatapos ay maipakikita ninyo ang isang angkop na bahagi sa aklat na Mabuhay Magpakailanman, gaya ng mga ilustrasyon sa pahina 9 at 11-13.

5 Maglatag ng Saligan Para sa Pagdalaw sa Hinaharap: Sabihin pa, makapag-iwan man tayo ng tract, o makapaglagay ng aklat na Mabuhay Magpakailanman, o nagkaroon lamang ng isang magandang pag-uusap, maaari nating sabihin: “Sa susunod na pagparito ko, nais kong ibahagi sa inyo ang isang kapanapanabik na punto hinggil sa mga hula ng Bibliya na nagpapakita na tayo ngayon ay nabubuhay na sa pintuan ng isang bagong sanlibutan.” Tiyaking gumawa ng maingat na nota sa pagdalaw at sa ipinakitang interes, at dumalaw muli upang antigin ang interes o marahil ay magpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya.

6 Ang Kaharian ay nag-aalok ng tanging tunay na pag-asa para sa sangkatauhan. Ipakita natin ang ating marubdob na pagnanais na ibahagi sa lahat ng ating natatagpuan ang “tumpak na kaalaman ng banal na lihim ng Diyos.”—Col. 2:2.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share