Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/93 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 8-14
  • Linggo ng Pebrero 15-21
  • Linggo ng Pebrero 22-28
  • Linggo ng Marso 1-7
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 2/93 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero

Linggo ng Pebrero 8-14

Awit 23

15 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip din ang pagtalakay sa artikulo sa pahina 3, “Mga Tagapagdala ng Liwanag sa Komunidad.”

20 min: “Ibahagi ang Tumpak na Kaalaman sa Pebrero.” Tanong-sagot. Itanghal ang paggamit ng bagong tract upang iharap ang aklat na Mabuhay Magpakailanman, gaya ng mungkahi sa mga parapo 2 at 3.

10 min: “Ang Abril ba ay Magiging Isang Pantanging Buwan Para sa Inyo?” Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod sa artikulo. Idiin ang pagdalo sa pulong sa Linggo, Pebrero 14 kasama ng mga maaaring mag-auxiliary payunir at gumawa ng pagpapasigla para sa pagiging auxiliary payunir sa susunod na mga buwan.

Awit 139 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 15-21

Awit 162

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: “May Katalinuhang Ginagamit ang Mahahalagang Kasangkapan.” Pagkatapos ng maikling pambungad ng tsirman, magkakaroon ng dalawang pagtatanghal salig sa materyal na binalangkas sa mga parapo 2 hanggang 5. Sa pagtatapos ng unang pagtatanghal, nangako ang mamamahayag na babalik upang sagutin ang katanungang, Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? Sa pagtatapos ng ikalawang pagtatanghal, isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan sa pamamagitan ng isang angkop na tract.

15 min: Kung Bakit Hindi Tayo Nagdiriwang ng Kapanganakan. Pag-uusap sa pagitan ng matanda at tin-edyer na ulila sa ama. Lumapit ang batang lalake sa matanda at humingi ng kaniyang tulong kung papaano pakikitunguhan ang panggigipit ng kaniyang mga kababata para dumalo sa isang birthday party. Alam niyang ito’y mali subalit gusto niyang masabi ito nang maliwanag sa iba. Nirepaso ng matanda ang impormasyon sa bata sa mga pahina 30-1 ng Setyembre 1, 1992, Bantayan at sa mga pahina 80-2 (68-70 sa Ingles) ng aklat na Nangangatuwiran.

Awit 151 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 22-28

Awit 130

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang tugon ng Samahan sa mga donasyon.

20 min: “Paggamit ng Aklat na Mabuhay Magpakailanman sa mga Pagdalaw Muli.” Tanong-sagot na pagtalakay. Magkaroon ng dalawang pagtatanghal sa mga iminungkahing presentasyon sa mga parapo 3 hanggang 5.

15 min: Kung Bakit ang mga Kristiyano ay Umiiwas sa Dugo. Pahayag ng matanda salig sa ibinigay na katuturan at sa unang tatlong sub-titulo sa ilalim ng “Dugo” sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 139-41 (70-2 sa Ingles).

Awit 177 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 1-7

Awit 128

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Pag-aalok ng Aklat na Apocalipsis sa Marso. Pagtalakay sa mga litaw na punto at mga mungkahing presentasyon na maaaring gamitin sa paglilingkod sa larangan. Maaaring imungkahi ang paggamit ng 2 Pedro 3:13 at Apocalipsis 21:4 lakip na ang ilustrasyon at mga punto sa mga pahina 302 at 303 ng aklat na Apocalipsis. Itatanghal ito ng may kakayahang payunir o mamamahayag.

15 min: “Makapaglilingkod Ka ba kay Jehova Bilang Isang Payunir?” Pagtalakay sa tagapakinig. Kapanayamin ang isang kabataang regular payunir o isang mamamahayag na nakapagpayunir noong kabataan. Itampok kung papaanong maaaring pasiglahin ng mga magulang at ng iba pa ang mga kabataan na abutin ang kanilang tunguhin ng pagpapayunir. Planuhin ngayon na mag-auxiliary payunir sa Abril.

10 min: Pahayag na may pamagat na “Isang Timbang na Pangmalas sa Libangan” salig sa Nobyembre 8, 1992, Gumising!, mga pahina 3-10.

Awit 160 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share