Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/93 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 2/93 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisiyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakakapidido ng nabanggit sa itaas na mga publikasyon para sa kampanya ay dapat na gumawa nito sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).

◼ Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Marso 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.

◼ Sa Linggo, Pebrero 14, magkakaroon ng pulong ang lahat ng mga nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Ang tagapangasiwa sa paglilingkod ang dapat na mangasiwa sa pulong at tiyaking may sapat na aplikasyon para sa auxiliary payunir.

◼ Ang pantanging pahayag pangmadla para sa 1993 ay ibibigay sa buong daigdig sa Linggo, Marso 28. Ang paksa ng pahayag ay “‘Mga Gawa ng Diyos’—Papaano Ninyo Minamalas ang mga Ito?” Isang balangkas ang ilalaan sa takdang panahon. Ang mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, pansirkitong asamblea, o pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong ito ay magdaraos ng kanilang pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon ang dapat magkaroon ng pantanging pahayag bago ang Marso 28.

◼ Bagong Diskette na Makukuha sa Ingles:

New World Translation of the Holy Scriptures—With References (Maaaring pididuhin sa isang set ng pito na 31/2ʺ 720-kilobyte diskette o isang set ng apat na 51/4ʺ 1.2-megabyte diskette. Isang IBM PC-compatible computer, running DOS, na may di-kukulangin sa 512 kilobytes ng random access memory at 71/2 megabytes ng free space sa isang hard disk ang kailangan upang patakbuhin ang programang ito; Mamamahayag: ₱300.00; Payunir: ₱225.00.)

◼ Bagong Videocassette na Makukuha sa Ingles:

Purple Triangles (Ito’y 30-minutong videocassette na naglalahad ng kasaysayan ng pamilya Kusserow sa Alemanya na lumabas sa Setyembre 1, 1985 na isyu ng The Watchtower. Ito’y ginawa ng isang estasyon ng telebisyon sa Britanya at binili ng Samahang Watch Tower ang mga karapatang mamahagi nito sa Ingles; Mamamahayag: ₱240.00; Payunir: ₱180.00.) Pansinin: Maaari lamang ipalabas sa VHS recorders, hindi sa Betamax.

◼ Bagong Drama Cassette na Makukuha sa Ingles:

Doing God’s Will With Zeal (Drama mula sa “Dalisay na Wika” na Pandistritong Kombensiyon; Mamamahayag ₱40.00; Payunir: ₱35.00.)

◼ Isang bagong brochure na sumisipi lamang mula sa Hebreong Kasulatan ang ginawa. Bagaman ang brochure na ito, na pinamagatang Will There Ever Be a World Without War?, ay inihanda lalo na para sa mga Hudiyo, ang mensahe nito ay para sa mga tao sa buong sanlibutan. Makukuha na ito ngayon sa Ingles lamang at sa regular na kontribusyon na ₱6.00 para sa mga mamamahayag at ₱4.00 para sa mga payunir.

◼ Makukuhang mga Bagong Publikasyon:

Watch Tower Publications Index, 1986-90 (Mamamahayag: ₱70.00; Payunir: ₱50.00)—Ingles

Muling Inimprintang mga Tomo ng Watchtower, 1983 at 1984 (₱120.00)—Ingles

Brochure, Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Intsik, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog

Tract 19: Ang Sanlibutan Bang Ito ay Makaliligtas?—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Intsik, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog

Tract 20: Kaaliwan Para sa Nanlulumo—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Intsik, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog

Tract 21: Tamasahin ang Buhay Pampamilya—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Intsik, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog

Tract 22: Sino Talaga ang Nagpupuno sa Sanlibutan?—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Intsik, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share